Horoscope | November 18, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyemre 18, 2023 (Sabado); Gamitin mo ang iyong lakas ng loob upang ika’y umasenso. Huwag mo itong gamitin sa mga walang kakuwenta-kuwentang aktibidad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa dahil lang sa pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-23-38-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na para bang nakuha muna ang iyong mga nais. Ito ang sikreto ng positibong kaisipan ng mga taong nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-20-25-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang matakot, hindi ka isinilang na mahina. Isinilang ka upang maging isang huwaran at buwenasin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-13-19-29-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kontrolin mo ang iyong tapang upang makita mo ang iyong pag-unlad. Kontrolin mo rin ang iyong emosyon nang sa gayun, mapasakamay mo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-21-29-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang gagawin mo. Ang langit na mismo ang magbubuhos sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-12-27-31-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang panahon ng paglilinis ng bahay, bakuran at mga personal na gamit. Ang kalinisan ay pumapangalawa sa kabanalan. Ito ang mensahe para sa ‘yo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-21-24-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakaiba ang takbo na kailangan mong isabuhay ngayon. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-23-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangutang para lang mabili mo ang iyong luho. Kung ano lang ang mayroon ka, iyon na ang iyong pagtiyagaan. Pansin mo, ang mga nagpapautang ay yumayaman habang ang mga nangungutang naman ay bumabagsak. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-25-28-33-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magdagdag ka pa ng kaalaman. Dapat mong makuha ang mga bagong impormasyon para sa lahat. Iba ang may alam kaysa na manindigan ka sa mga lumang impormasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-29-39-41-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - ‘Wag mo nang ipagpabukas pa kung kaya mo namang gawin ngayon. Ang agarang pagkilos ay mas makakabuti para sa lahat. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto 5-8-11-16-22-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka sa mga balita pero huwag kang makinig sa mga balita na mula lang sa mga tsismis. Marami na ang napahamak dahil sa mga maling impormasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto 4-17-20-25-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumulong ka sa mga mahihirap at nangangailangan. Tumulong ka rin sa mga kaibigan mong kapus-palad. Obligasyon ng bawat isa na magtulungan ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-22-30-34-44.




Comments