Horoscope | November 18, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 18, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2021 (Huwebes): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo. Marapat lamang na malalaking ambisyon din ang hangarin mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak-hawak mo ang iyong kapalaran. Nasa iyo na kung ano at saan mo ito gagamitin. Ang katumbas din nito ay hawak mo ang iyong kabiguan at tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-21-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalhin ka ng lakas ng loob sa lugar kung saan makakaharap mo ang katuparan ng iyong malalaking pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-24-25-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit ka magpapaawat kung alam mong ikaw ay nasa tama? Ang dapat na huminto ay ang mga nasa mali at wala sa lugar, ganundin ang may hindi magagandang motibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-33-35-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mawawala ang iyong takot sa pagsugod mo sa iyong pangarap. Ikaw mismo ay magtataka dahil kilala mo ang iyong sarili na mahina at ayaw makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-22-27-31-36-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kusang kumikilos ang kapalaran mo. Inaalis nito ang mga hadlang at sagabal sa landas na papunta sa tagumpay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-11-14-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang tamang panahon para simulan mo na ang matagal nang binabalak na pagkakakitaan kung saan may pagkakataon kang yumaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-25-28-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kabaligtaran ng mga kagustuhan mo ang magaganap, pero magtataka ka dahil sa huli, ikaw ay may malalaking pakinabang sa mga ayaw mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-20-23-24-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag na lakas ng loob ang mapasasaiyo. Sapat ang mga ito para magawa mo ang proyekto na pinagdududahan mong mahirap at hindi mo kayang tapusin nang mabilis. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-24-26-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaayon sa mga plano mo ang mga bituin sa langit. Nakatutuwa dahil bihirang mangyari ang ganitong nakamamanghang kaganapan na ang mga bituin ay nagkakaisa para sa iyong layunin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-20-21-24-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang iyong pangamba sa laban mo sa kahirapan dahil ang mga suwerte ay dadalawin ka at magpapabalik-balik sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-13-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo hahabulin ang nawala sa iyo? Siya dapat maghabol sa iyo dahil kailangan ka niya. Ang isa pang totoo, walang sinumang puwedeng ipalit sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong itago ang iyong galing at husay. Walang saysay ang mamahaling alahas kung ito ay nananatili lamang sa taguan at hindi ginagamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-26-39-40-43.




Comments