Horoscope | November 17, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 17, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2023 (Biyernes) Nakatakdang mapasaiyo ang iyong mga ambisyon. Tiyak na ito ay mangyayari dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo ang lakas ng iyong loob upang makatanggap ka ng regalo mula sa langit na magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-29-35-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglang mawawala ang kaduwagan mo. Magagawa mo nang madali at maayos ang mga bagay na hindi mo nagawa noon dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-25-31-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Alisin mo ang iyong pangamba, kumilos ka na para bang hawak-hawak mo na ang mga gusto mo. Ito ang isang sikreto upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-14-19-27-32-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hanapin mo ang wala sa iyo dahil ito ang tunay na susi ng kaligayahan. Dahil dito, makukumpleto ang buhay mo at mabilis ka ring aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-26-29-37-41-44.
LEO (July 23-Aug. 22) – Napapaligiran ka ng mga taong palihim na kumokontra sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil pansamantala lang ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-28-30-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalapit nang kusa sa iyo ang mga suwerte mo kahit saan ka pa magpunta o kahit ano’ng gawin mo. Sa katunayan, madalas mangyari sa buhay mo ang ganitong masayang senaryo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-24-27-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli kang papaboran ng langit. Ang mga hinanakit mo ay pakikinggan at ikaw ang papanigan, pero huwag na huwag mong kaligtaang tulungan ang mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-16-25-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kontrolin mo ang iyong tapang. Ngayon ang panahon ng pagmamahalan at hindi para ipakita ang iyong tapang. Mas magandang isabuhay mo ang utos na mahalin mo ang iyong kaaway. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-20-28-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakitaan mo ng maganda ang mga taong nangangarap na maagaw sa iyo ang puwestong mayroon ka. Sa ganitong paraan, magigising sila sa katotohanang walang ibang puwedeng pumalit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-19-21-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masayang ibinabalita sa iyo ng kapalaran mo na ang mga suwerte ay lalakas pa nang lalakas hanggang sa susunod na taon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-13-19-24-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alalay at hinay-hinay lang. Sa dami ng mga bagay na mapapasaiyo, baka mapagod ang iyong isip at katawan. Muli, alalay at hinay-hinay lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-25-28-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung paramihan lang ng regalo, mas marami kang matatanggap mula sa mga taong nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-25-28-30-33.




Comments