Horoscope | November 17, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 17, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2021 (Miyerkules): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kaya mapapansin mo na pinatatag at pinalalakas ka ng kapalaran nang sa gayun ay hindi masayang ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nababalutan ng maduming lupa ang ginto. Hanapin mo ang ginintuang aral ng buhay sa hindi magagandang nangyayari sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-21-26-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan dahil sa mga pangyayaring bumabalot sa kapalaran mo ngayon na ang malalaking suwerte ay biglang dadapo sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-16-24-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manatili sa kalungkutan. Hindi ka nabuhay sa ibabaw ng mundo para malungkot, kaya lumabas ka ng bahay, mamasyal at maglibang kasama ang ilang kaibigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-21-28-33.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakasira ng porma ang mabigat na dalahin. Bigyang luwag mo ang iyong kalooban at ibulalas mo ang kinikimkim mo sa iyong dibdib. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-14-23-38-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang tatag ng iyong kalooban sa harap ng mga taong ang gusto lang ay pabagsakin ka. Kapag nakita nilang hindi ka naman natitinag, makikita mo na susuko silang lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-20-25-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masaya ang nag-iisa, pero totoo ring mahirap ang may kasama. Ikonsidera mo ngayon ang pakikipagrelasyon na hindi ka magiging sobrang seryoso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-2-13-15-23-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman mahirap baguhin ang takbo ng kapalaran kapag ito ay hindi kagandahan. Simple at madali lang ito dahil ang unang babaguhin ay ang hindi magagandang ugali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-25-34-41-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mo lang ang puwede mong makasosyo. Ang unang pagbasehan mo ay kung siya ay kasosyo na hindi aagawin ang iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-21-27-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matakot na mahirap maabot ang iyong malalaking pangarap. Hindi mo man ito makuha, tiyak ding sa matataas na kalagayan ang iyong bagsak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-26-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahanap ka ng mga suwerte na gusto ring pasayahin ka. Kaya ang payo ay magkunwari kang malungkot at walang-wala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-18-24-26-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maghanda ka dahil ang lungkot ay puwedeng manalo laban sa iyo. Mahahadlangan mo ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng makislap na gamit at sa pagkilos mo, magkunwari kang napapasayaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-13-29-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghangad ka dahil ang payo na huwag maghangad ay hindi maganda para sa tao na magdadala sa kanya sa kahirapan. Dahil ang totoo, ang paghahangad ay susi sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-44.




Comments