Horoscope | November 16, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2023 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon para labanan ang pagkainip at pagkabagot. Ikilos at bigyang aksyon mo ang iyong imahinasyon, upang maging pera.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na pagkatapos mong magkulong sa bahay, ikaw ay mabilis na magkakaroon ng malalaking kayamanan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-25-27-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit magtagal ang pananatili mo sa bahay, kakayanin mo pa rin ito dahil kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Ang mundo mo ay mapupuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-28-33-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lang sakit ang nakakahawa dahil maski ang init ng ulo ay ganundin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-21-26-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ngayon ang panahon para sa paghahanap ng pagmamahal. Ito ang gawin mong gabay habang ikaw ay nasa loob ng bahay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-11-20-29-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang sa pagsasalita. Ito ang iyong isabuhay ngayon dahil ito ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-7-11-27-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naman nakapagtataka kung sa panahon ng pamamalagi mo sa bahay ay napakarami mong nabuong magagandang pormula ng tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-18-21-25-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibigay mo ang makakaya mo. Huwag mong tularan ang iba na nagtataka kapag nabigo gayung hindi naman nila ibinigay kung ano ang kanilang makakaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-16-28-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo ang kilos at pagsasalita ng mga tao nasa paligid mo. Kunin mo ang magagandang aral at ibasura mo ang mga walang kuwenta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-33-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit saan ka pumunta, ikaw pa rin ang titingalain kaya iwasan mong makagawa ng hindi tama. Maging huwaran ka sa pagpapakita ng kabutihan sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-24-39-42-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayong napatunayan mo na ang pagiging masinop ay napakikinabangan mo. Ipagpatuloy mo ang magandang katangian na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-8-17-23-31-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hamunin mo ang iyong sarili na labanan ang lungkot. Tiyak na tatalunin mo ito dahil kapag hinamon mo ang iyong mga karibal, ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-19-28-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpalakas ka ng katawan at isipan. Pagkatapos ng pananatili sa bahay, ikaw ay mapapalaban sa hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-25-34-40.




Comments