Horoscope | November 15, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2021 (Lunes): Sapat ang taglay mong magagandang katangian upang matupad ang iyong mga ambisyon sa buhay. Ito ay kahit may ilan kang mga kahinaan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumalakas ang puwersa ng iyong personalidad at tumotodo pa ito. Ito ay nagsasabing suko sa iyo ang mga lihim at lantad na kaaway. Ito rin ay magagamit mo para sa mas malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-9-18-24-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Konsentrasyon ang kailangan mo sa mga gusto mong tapusing proyekto. ‘Pag natapos na, makikita mo na darating ang mas magaganda at marami pang suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-15-24-33-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Bawal tumingin sa kanan, kaliwa at likuran. Ito ay nagsasabing ang tutukan mo ay ang iyong hinaharap o kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-27-29-31-35.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka maaawat sa gusto mong gawin at hindi ka rin magpapadikta dahil ang katotohanan, ikaw ang talagang nasusunod sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-20-34-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit medyo hindi mo gusto, susundin mo ang kapritsuhan ng sobrang malapit sa puso mo. Sa sarili mo, alam mong bababa ang iyong pagkatao, pero makakadama ka ng kakaibang saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-19-28-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nawala ka, walang gabay ang marami at puwedeng magsimulang bumagsak ang papaasenso na. Ito ay nagsasabing kinikilala kang pampasuwerte ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-23-29-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang araw mo at ang ilang araw pang darating ay mga araw mo rin. Huwag mo itong sayangin, sa halip ay simulan mo ang matagal mo nang plano na pagandahin pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-24-27-31-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tapusin mo na ang iyong pananahimik. Ang nakaraan ay kalimutan at harapin mo ang maraming bagong araw kung kailan makikitang mas maganda at matalino ka. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-17-22-24-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi ka naniniwala, subukan mong kumuha ng lakas sa mahihina. Mahirap maunawaan, pero ito rin ang sinasabing, ang nasa ibaba ay tuntungan ng nasa itaaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-29-32-37-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pakakawalan ng iyong inaayawan. Dahil ang totoo, kapag nawala ka, hindi na rin gaganda pa ang kanyang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-23-27-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa panahong ito, bago ka magsimula sa mga bagong pangarap, ang unang gawin mo ay isara ang iyong isip sa pagkakamali at pagkukulang na nagawa mo. Kalimutan mo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-28-34-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humakbang ka pasulong. Ang mga paa ng tao ay sadyang nilikha papunta sa hinaharap at hindi papaatras. Ito rin ay nagsasabing harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran nang walang takot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-22-25-34-41.




Comments