Horoscope | November 14, 2023 (Martes)
- BULGAR
- Nov 14, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 14, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2023 (Martes): Mabilis kang yayaman sa pamamagitan ng negosyo. Kaya lang, may tendency na maantala ang pagyaman mo dahil sa pamamasukan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan dahil ikaw pa rin naman ang taong handang gawin at ibigay ang lahat para maisakatuparan ang kanilang mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-14-29-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo alam kung matutuwa ka ba o hindi, pero anuman ang maging attitude mo, tuluy-tuloy pa ring darating sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-24-28-31-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na kailangan mong bilisan ang iyong pagkilos. Sa mabilis na pagkilos, bibilis din ang iyong pag-unlad at pag-asenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-23-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nagsasayang ka lang ng oras sa kakaisip ng mga planong ‘di mo naman kayang tuparin. Kung ano ang iyong naiisip, gawin mo na agad. Kapag nagawa mo ‘yan, maraming suwerte at magandang kapalaran ang sunud-sunod na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-22-25-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang susundin nila. Kung mag-uutos ka, ikonsidera mo ang kapakanan ng mas nakararami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-28-31-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tuloy lang ang buhay. Kahit na marami kang gustong gawin na ‘di mo pa nagagawa ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-29-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Wala sa mukha at katawan ang ganda ng isang tao. Ang ganda ay nakikita sa kung paano tayo kumilos at makitungo sa ibang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-15-27-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manindigan ka pero hindi ka dapat maging agresibo. Panindigan mo ang iyong pagiging matatag. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-24-29-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Maganda ang pangako ng bukas para sa iyo. Sa katunayan, mas maganda ito kaysa noon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-7-16-25-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bago maging ganap na bulaklak, ito ay isang maliit at mahiyaing buko. Tapos na ang pagiging munting buko mo dahil babango na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-8-17-22-26-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik ang nakaraan kahit ayaw ng tao. Kahit labag sa kalooban ng tao. Babalik at darating ang iyong nakaraan pero ‘di mo na ito aayawan pa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-11-20-28-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) Una-una lang ang pamamasyal. Kung ano’ng lugar ang madali mong mapupuntahan, du’n ka pumunta. Ang iba pang lugar ay mararating mo rin kapag nabigyan ka na ng pagkakataon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-22-28-39-45.
Comentarios