Horoscope | November 14, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 14, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2021 (Linggo): Kaya mong yumaman kapag ginusto mo. Kaya mo ring paramihin ang iyong karelasyon kapag ginusto mo dahil nasa iyo ang katangian at kapangyarihan na magparami.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansinin mo ang mabilis na agos ng tubig. Tularan mo ito, kumbaga, bilisan mo rin ang iyong mga kilos nang sa gayun ay bumaha ng magagandang bagay sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-25-28-31-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtutuloy-tuloy ang pagganda ng takbo ng kapalaran mo kapag ang mga natutunan mo sa karanasan ng iba ay iyong isinabuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-17-23-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka. Ibigay mo sa iba ang ilan sa mga hawak mo. Kapag magaan ang iyong dala, mas mabilis kang uunlad at magiging maligaya. Gawin mo na ngayon – bitawan mo ang anumang hawak mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-20-21-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Minsan sa buhay ng tao, pinakikinabangan din ang takot. Ang malalim na katotohanan, ang kikilos dahil sa takot ay makakaiwas sa puwedeng mangyari na kanyang kinatatakutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-25-29-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tag-lagas at nahuhulog sa lupa ang mga dahon sa panahong ito. Ang masuwerteng balita para sa iyo, mananatiling tag-sibol ang buhay mo at lalo pa itong pasasaganain ng langit. Bibigyan ka ng maraming mga biyaya ng nasa itaas sa ayaw at sa gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-29-32-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataon para tumulong ka sa mga nangangailangan. Natutuwa ang langit at pinagpapala ang mga taong gumagawa ng sakripisyo para sa kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-28-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo puwedeng tipirin ang iyong sarili. Kaya nagkakasakit ang tao ay dahil pinagdadamutan niya maging ang kanyang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-27-33-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napapahamak ang hindi nakikinig sa babala. Huwag mong balewain ang babala. Mag-ingat ka dahil ang mga nag-iingat ay nakakaligtas sa sakuna. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-26-28-34-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, lumalakas ang mga tao. Kapag magkakasama, tumatalas ang isip ng tao. Hindi puwede sa panahon ngayon na ikaw ay nag-iisa lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-24-27-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makibahagi ka sa mga gawaing para sa mga nangangailangan at sa mga gawaing totoong tumutulong sa kapwa. Ngayon ay pinagmamasdan ng langit ang mga tao at binibiyayaan ang mga may mabuting kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-22-26-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Init ang kailangan kapag maginaw, init din ang kailangan kapag nanlalamig. Kapag kumilos ka nang kumilos, iinit ang iyong katawan, magtutuluy-tuloy ang sigla mo at ito ay makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-22-31-35-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag naipon ang tubig, babaha. Pagsama-samahin mo ang magagandang katangian mo at saka ka kumilos. Makakaasa ka na babaha ng magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-22-34-38-43.




Comments