Horoscope | November 13, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 13, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2023 (Lunes): Mula sa wala, ikaw ay magkakaroon habang ang iba ay mananatili pa rin sa kanilang posisyon. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa nalanta at nabulok na bunga, rito lalabas ang mga panibagong binhi. Kaya dapat mo itong isabuhay na kapag nabigo ka, bumangon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-17-20-25-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nadadapa ang mga taong sobrang bibilis habang ang mga taong mabagal ay nakikita ang mga hadlang at sagabal sa landas na kanilang dinaraanan. Dapat kang mapabilang sa huli upang hindi ka na muli pang masaktan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-26-39-40-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakakaba ang mga araw na darating. Pero, 'di ka dapat mag-alala dahil tiyak na may darating na magandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-27-30-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mananariwa ang mga puno’t halaman. Dumating na ang oras para matikman mo ang matamis na bunga ng iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-25-31-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habaan mo pa ang pasensya mo dahil ngayon darating ang mga taong nakakainis at nakakabuwisit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-21-29-37-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mula sa kalungkutan, ikaw ay tatayo at sa pagtayo mo ang kaligayahan ay magsisidapo sa iyo na para kang isang diwata na nakikipaglaro sa mga magagandang alitaptap at paru-paro. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-19-25-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sino ang ayaw kumilos dahil tinatalo ng negatibong pananaw pero tinutulak ng kanyang kapalaran? Sino pa nga ba, walang iba kundi ikaw! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-33-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit makakapal na ulap lang ang iyong nakikita, ituloy mo pa rin ang iyong buhay. Maski ang Haring Araw ay naglalaho sa gabi pero sa umaga ay muling sumisikat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-25-30-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit na hindi ka manghuhula, mababasa mo pa rin ang kilos at pananalita ng iyong kaharap. Kaya ‘wag na ‘wag kang magpapaloko. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – ‘Wag ka umatras. Pero, kapag nakita mong mali ang iyong kaaway saka ka bumanat. Ito ang sikreto upang manalo ka sa laban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-31-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itinatapon ng tao ang basura. Ang mga pabigat at nagpapasakit ng ulo mo ay alisin muna rin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-22-25-31-36.




Comments