top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 13, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2021 (Sabado): Malakas ang dating ng iyong personalidad. Mahahawa sa iyo ng magandang kapalaran ang sinumang madidikit at susuwertehin ang mga minamalas.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makisali sa gulo. Alalahanin mo na ang magulong buhay ay parang nahulog sa madilim na kapalaran. Mas maganda pa kung ikaw ay masaya na nag-iisa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-21-27-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka agad kapag lumalapit sa iyo ang may pangit na kapalaran, pero ‘wag mong ipahahalata ang iyong gagawaing pag-iwas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-29-33-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Gawin mong mag-isa ang gusto mong gawin. Ang babala ay kapag nagpatulong ka, hindi ka lang maiinis kundi mabibigo ka pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-23-28-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kung saan may pagbabago, ‘yun ang piliin mo. Kung saan may magandang hinaharap, doon ka lumagay. Ito ang tunay na susi ng isang buhay na may pangako ng ligaya at kasaganaan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-11-22-29-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Literal na mag-ingat ka dahil nagbababala ang iyong kapalaran na maaaring magamit ka ng isang may hindi magandang motibo. Huwag mong kalimutan na hindi ka isinilang para magamit ninuman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-20-28-34-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talasan mo ang iyong isip at pakiramdam. Baka masingitan ka ng mga taong ang gusto lang ay mabigo at mapailalim ka sa kanilang kapangyarihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-23-32-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa masasayang kaibigan ang iyong mga suwerte. Ang iyong mga kamalasan naman ay nasa mga reklamdor at sobrang negatibo ng pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-13-22-26-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kaya mong mabuhay mag-isa, pero hindi ka magiging masaya. Bakit hindi ka makipagsapalaran sa mundong ito na kahit magulo ay may natatagong tunay na ligaya? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-12-27-33-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka pero mas lalakas ka pa. Masuwerte ka pero mas susuwertehin ka pa kapag ang mga nasa ibaba at kapus-palad ay iyong pinakitaan ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-21-27-30-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maulap ang kalangitan sa araw na ito. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay maaliwalas at walang mga hadlang sa landas ng buhay dahil ito ay pagagandahin ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-8-22-28-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humirit ka pa ng magandang kapalaran sa langit. Dati mo nang nararanasan na sinuwerte ka na at binigyan ka pa ng dagdag na mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-22-28-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nabibilang ang mga daliri sa kamay, pero ang iyong magagandang kapalaran na nagdaratingan ay halos walang bilang na parang mga langgam na hindi maubos-ubos at nagpapabalik-balik sa matamis na asukal na natapon sa mesa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-26-31-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page