top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 12, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 12, 2023

Sa may kaarawan ngayong NOBYEMBRE 12, 2023 (Linggo): Tulad ng isang ilog, aagos ang ‘di matapus-tapos na suwerte sa iyo ngayong taon. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - ‘Wag kang magmadali dahil minsan sa pagmamadali tayo nagkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-20-24-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manguna ka! Ikaw ngayon ang mamuno sa mga proyektong may kaugnayan kung paano mo mapapaunlad ang iyong pamilya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-25-29-36-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang kakaibang ideya na naisip mo. Hindi ka naman madamot kaya ang payo sa iyo ng iyong kapalaran, ‘wag kang maging madamot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-28-30-34-39-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda na binubuhat ng tao ang kanilang sariling upuan. Kaya lang, sa dami ng suwerteng magdadatingan sa iyo, hindi mo maiiwasang ‘di magyabang. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-10-17-21-26-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malaki pa ang isusulong ng kabuhayan mo kapag sineryoso mo ang pagpapaunlad sa iyong negosyo. Iwasan mong tumutok sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-20-25-36-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Ito ang hindi mo dapat gawin. Ang mga taong umaapi at nagkakalat ng mga kuwentong hindi naman totoo tungkol sa iyo, hayaan mo na ang langit ang magturo sa kanila ng leksyon. Kapag ang langit ang nagbigay ng leksyon, ito ay higit na mas masakit at malupit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-27-31-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding ni Lola Basyang. Gaganda ka nang gaganda, kasabay nito ang pagganda rin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-18-20-26-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi makakabuti na pahirapan mo ang iyong sarili dahil sa problemang iyong kinakaharap. Tumulong ka sa ibang tao, pero siya muna dapat ang unang tumulong sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-22-27-30-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang bagong posisyon na inaalok sa iyo. Ang hirap at pagod ay pansamantala lang. Ang mahalaga, gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-25-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang pangako mo sa sarili mo na lalabanan mo iyong ang pagiging mahiyain. Ang mundo mo ay lalawak nang lalawak, at ang pagyaman mo ay mabilis mo ring makukuha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-7-19-20-35-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang wala sa isang tao ‘yun dapat ang pagsumikapan mong makuha. Huwag kang makinig sa madalas na ipinapayo nila na ang kaligayahan ay nasa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-16-27-31-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa iba pang araw na darating. Alam mo kung sino ang mamalasin? Sino pa nga ba? Eh ‘di ang mga taong walang bilid sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-26-34-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page