top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 12, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 12, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2021 (Biyernes): Angat ka nang angat kung ikukumpara sa karamihan at mas aangat ka pa sa mga nakahihigit sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang — angat ka sa lahat.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mong nakasayad ang iyong mga paa sa lupa. Ibig sabihin, magpakumbaba ka kahit sa totoo lang ay mas mataas ka kaysa sa mga nakapaligid sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-5-10-26-28-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibahagi mo sa kapwa ang mga hindi na ginagamit na bagay o anumang abubot mo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran nang sa gayun ay pumasok sa buhay mo ang dagdag pang mga suwerte at bagong oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-12-17-29-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong hintayin ang matagal magpasya. Hayaan mong siya ang maghabol para mapabilang ka sa mga makikinabang sa masusuwerteng pangyayari na iyong mararanasan ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-16-20-28-32.


CANCER (June 21-July 22) - Kung nasaan ang pagkakasundo at pagbibigayan, doon ka lumagay. Walang mabuting napapala ang buhay na walang tigil sa pakikipaglaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-15-19-24-26-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang mga araw na puwede pang umangat ang iyong kabuhayan. Magsaya at maglibang ka, pero hindi ka dapat masobrahan sa paglalakwatsa at paggawa ng mga bagay na ikasasama ng iyong kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-13-20-26-28-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit saan ka mapunta, talasan mo ang iyong isip at kumuha ka ng mga ideya na puwedeng magpaunlad pa sa iyong buhay. Ang nagdadagdag ng kaalaman ay mas gumaganda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-6-10-16-20-28.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapaimpluwesiya sa mga palaangal, paladaing, iyakin at palahingi. Kahit kailan, walang magandang mangyayari sa kanilang buhay kundi ang magreklamo hanggang sila ay tumanda, magkasakit at mamatay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-19-27-38-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo, pero huwag mong ikalungkot kapag ang mga suwerte mo ay parang kumukupas. Magpapalit lang ang mga ito ng bagong lakas at ganda. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-14-20-26-27-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kaya kung ano ang gusto mong maging kapalaran, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Muli, hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-19-23-28-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pabalik-balik ang mga pangyayari sa buhay ng bawat nilalang. Tulad ngayon, muling magbabalik ang mga araw kung kailan masuwerte ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-16-18-26-29-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumaya ang paligid at nawawala ang init ‘pag ang hangin at tubig ay naghaharutan sa paligid. Ganito ang nagaganap sa tabing-dagat, gilid ng batis at ilog. Sasaya ang kapalaran mo ‘pag may kalaro ka. Laruin mo ang tao na dati mo nang kaulayaw. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-20-22-27-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi totoong magandang mabuhay sa tabing-dagat dahil hindi ka naman makakatulog sa ingay ng mga alon. Lumayo ka sa mga taong naiingayan ka at nagiging dahilan kaya hindi nagiging mapayapa ang iyong isip at diwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-23-28-30-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page