top of page

Horoscope | November 11, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 11, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2021 (Huwebes): Napakalakas ng iyong personalidad, kaya malalakas din ang kadalasang nakakabangga mo. Manalo o matalo ka man, hindi magbabago ang pagiging malakas mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na maghari sa iyo ang galit. Ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali ay huwag mong gawan ng masama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay- lavender. Tips sa lotto-3-15-20-26-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang kalinisan ng iyong hangarin. Sa ganitong paraan, mismong langit ang kikilos para sa iyo at pagagandahin ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-13-17-26-28-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Dapat kalmado ka lang. Itago mo ang iyong emosyon. Hindi ngayon ang panahon para malantad ang kakaibang paghahayag mo ng damdamin dahil marami ang masasaktan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-20-22-27-30.

CANCER (June 21-July 22) - Espesyal ka sa mga mata ng langit, kaya ang mga sikretong kahilingan mo ay pagbibigyan. Bilang pasasalamat, tuparin mo ang iyong pangako na tutulungan mo ang mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-28-36-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Bawasan mo ang kalabisan ng malapit sa puso mo, pero sa magandang paraan. Oo, sa paraang hindi sasama ang kanyang kalooban sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-18-26-29-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo naman kailangan ang alalay, tulong at suporta, lalo na’t ito ang sanhi ng paghihintay ng kapalit. Dapat nilang maunawaan na ang pagtulong ay hindi pangungutang at hindi lahat ng binibigay ay pinapalitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-23-29-32-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang hindi sasang-ayon sa iyo. Dahil palaging maganda ang gusto mo, maganda rin ang magiging kapalaran mo. Mali para sa iyo na piliin ang hindi maganda sa paningin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-20-23-36-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ka at ang malakas ay maganda dahil ang mga tagumpay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Gayunman, dahil malakas ka, iilag sa iyo ang mahihina. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-21-24-30-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Harapin mo ang maraming bukas. Huwag mo nang balikan ang nakaraan dahil ito ay isang pag-atras na magreresulta sa buhay na hindi papasulong kundi paatras. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-20-27-30-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ang nasa iyo na. Huwag mong tularan ang marami nang dahil sumaya ay binawasan ang hawak nilang regalo ng langit. Ipunin mo ang mga regalo ng langit hanggang sa dumami nang dumami ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-26-27-30-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang saya ang dala mo kundi pati ginhawa sa mga taong lihim na malungkot ang buhay at uhaw na uhaw sa pang-unawa at pagmamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-25-29-34-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Anuman ang iyong nararanasan ngayon, iisa lang naman ang kauuwian at ikaw ay magkakaroon ng napakagandang buhay at mas dadami pa ang maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-18-19-27-30-37.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page