top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 10, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 10, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2023 (Biyernes): Kabilang ka sa mga taong mapapalad. Pero, kailangan mo pa ring magsikap dahil ang tunay na ligaya ay nakukuha sa pagsisikap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumikit ka sa mga taong masayahin upang gumanda ang takbo ng iyong buhay. Kapag dumikit ka sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang dumaing, may tsansang mahawa ka sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-24-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa ngayon, kumukuha pa ng buwelo ang iyong suwerte. Ito ay para magulat ang mga taong walang ginawa kundi ang kontrahin ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-17-21-27-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magtiwala. Ang buhay dito sa mundo ay madalas na nagdadayaan at naglalamangan. Lihim kang dumiskarte upang hindi ka nila maunahan sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-20-27-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Nakamasid sa iyo ang mata ng langit. Ang mga taong gumagawa sa iyo ng mali, aani ng kahihiyan habang ang mga taong may pagkakasala sa iyo ay aani ng kapahamakan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-25-29-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang humingi ng tulong sa kapwa mo tao. Mas magandang humingi ng tulong sa langit. Kapag ginawa mo ‘yan, tataas ang antas ng iyong pananalig. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-10-14-17-21-28.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakayahan mo kung

paano mo mas mapapalago ang iyong negosyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-12-25-28-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinupin mo ang mga suwerteng nakuha mo. Sinupin mo rin ang magagandang bagay na iyong pinaghirapan. Ang tunay na susi ng tagumpay ay ang pagiging masinop. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-11-15-26-30-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isa-isa lang ang gawin mo, kahit na mabagal ang iyong pagyaman, magiging gabundok din ito. Samantala, ang mga taong nagmamadali, oo nga’t mabilis silang yumaman pero ‘di ito magiging matatag at madali lang matutunaw ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-16-22-29-36-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag na huwag mong paghandaan ang mga masasayang okasyong darating. Higit mong paghandaan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-13-15-29-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pasayahin mo ang mga taong alam mong kinakapos. Gawin mo ito upang pagpalain ka. Huwag ka na ngayon mag-alinlangan pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-22-25-30-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit saan ka pumunta, nakasunod pa rin sa iyo ang suwerte. Hinihintay lang nito na mawala sa iyo ang iyong negatibong pananaw. Kapag naging positibo ka, tiyak na susuwertehin at uunlad ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-24-28-38-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng bagay sa iyong kapwa at isauli mo ito agad. Ito ang nakakatuwang pormula na magbibigay sa iyo ng napakaraming magagandang bagay. Gawin mo ito para makita mo ang resulta. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-13-20-27-34-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page