Horoscope | November 10, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 10, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2021 (Miyerkules): Pagkakalooban ka ng langit ng maraming biyaya dahil isinilang ka nang mas masuwerte kaysa sa mga pangkaraniwan. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilng.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang iyong buhay. Hindi maganda sa tao ang sobrang seryoso. Dapat mong malaman na kapag masaya, ang mas magagandang oportunidad ay nagdaratingan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-10-19-20-21-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kulang ka sa init kaya magpainit ka sa sikat ng araw sa umaga. Kapag nasobrahan ka sa lamig, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng karamdaman na may kaugnayan sa lamig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-15-28-33-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit parang hinahanap mo ang lungkot, sawa ka na ba sa masasayang kasama? Ang solusyon ay makipagsapalaran ka sa mga aktibidad na makapigil-hininga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-29-31-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang mga bagong pakikipagsapalaran. Ito ay kung magpapatuloy ka na hindi mabuhay sa nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-20-26-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ang espesyal na karapatan na hawak mo ang iyong kapalaran ay ibinalik sa iyo. Hindi ka dapat magkamali at hindi ito dapat masayang, kaya gamitin mo sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-27-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talunin mo ang iyong pag-aalinlangan at kapag iyong tinalo, reregaluhan ka ng langit ng nakamamangha at naggagandahang kapalaran, kung saan ang iyong kagalakan ay malulubos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-15-17-29-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talo ang mainis at mas malaking katalunan ang magalit. Panalo naman ang marunong magparaya at may mahabang pasensiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-22-28-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magugulat ka sa mga surpresang darating sa buhay mo. Ang paunang impormasyon ay ang mga kahilingan mo sa langit na akala mo ay hindi magkakatotoo ay magkakaroon ng malalaking katuparan. Masuwrteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-20-21-26-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang karunungan mula sa palaisipan ng iyong buhay na ngayon ay makukuha mo ang kasagutan. Gamitin mo ito sa magpapaunlad pa ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-12-24-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyan mo ng saya ang iyong sarili. Hindi tama na puro lungkot na lang ang ibinibigay mo sa iyong sarili. Ngayon, kailangan mo nang magkaroon ng kalayaan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-17-23-27-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malapit lang sa iyo ang suwerte mo, ibig sabihin, hindi malayo at hindi mo na kailangang hanapin. Kung sino ang malapit sa puso mo, siya na ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-12-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa pamamasyal, matatanggal ang kalungkutan, kaya dapat mo itong gawin. Sasaya ka at sa sandaling ito, ang magagandang ideya ay labas-pasok sa isip mo na magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at buwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-28-30-44.




Comments