top of page
Search
BULGAR

Horoscope | November 1, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 1, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2024 (Biyernes): Magiging masarap ang buhay mo ngayon. Ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang, pero ‘wag ka pa ring makampante, dahil hindi ka mauubusan ng kakumpitensiya ngayon.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka bibiguin ng langit, kaya ‘wag mo rin siyang biguin. Inaasahan ng langit na gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-25-34-38-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naman talaga nabibigo ang tao. Sa katunayan, nakakaranas lang tayo ng pagkaantala sa suwerte at tagumpay. Kaya naman magpatuloy ka lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-21-23-27-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka maliligaw ngayon. Ang tukso na ilalagay sa harapan mo ang magdadala sa iyo ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-28-30-33-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Sobra kang masisiyahan ngayon. Ang matagal munang pinapangarap na magkaroon ng kaliwanagan ay abot-kamay mo na ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-20-24-27-35-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Sakyan mo lang ang nagaganap sa iyong harapan. Sa huli, madidiskubre mo rin ang mga totoong kaaway mo. Magkagayunman, hindi mo pa rin sila magagawang patulan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-18-25-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aakalain mong kaya gumaganda ang iyong kalagayan ay dahil sa iyong mga ginagawa. Pero sa totoo lang, ang langit mismo ang naglagay sa iyo sa ganyang kalagayan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-13-19-21-39-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkalat na ngayon ang mga nagkukunwaring pasasayahin ang buhay mo. Huwag kang maniniwala dahil ang tunay na magpapasaya sa iyo ay ang mismong sarili mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-22-26-28-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minsan munang sinaktan ang sarili mo. Hindi na dapat ito maulit. Kaya kapag alam mong wala kang magandang mapapala sa isang tao, layuan mo na agad sila.  Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-25-37-40-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dinaragdagan ang kulang, habang binabawasan naman ang sobra. Kaya naman, dagdagan mo pa ang ipon mo at bawasan mo ang luho at paggastos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-20-27-30-32.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nasa malapit, siya ang magiging katuwang mo. ‘Wag kang maghanap sa malayo,  dahil ayon sa bolang kristal, ikaw ay muling masasaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-15-23-36-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, ru’n ka! Ito ang sikreto ng buhay ng tao. Kaya kung saan ka nahihirapan, iyon ang iyong ayawan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-27-29-38-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi basta-basta iniinom ang kapeng mainit, dahil baka magsisi ka lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-26-35-39.



0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page