Horoscope | November 1, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 1, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2023 (Miyerkules): Ngayon dadaloy ang magagandang kapalaran sa iyong buhay dahil sa kabutihang ipinakita mo sa iyong kapwa. Ito ang regalo sa iyo ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang magpapaganda sa iyong buhay. Kaya layuan mo ang mga bagay na alam mong lungkot lang naman ang hatid sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-21-24-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balansehin mo ang iyong buhay. Hindi maganda ang sobra at kulang. Kaya hinay-hinay lang sa pagbibigay ng atensyon sa mga taong malalapit sa ‘yo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-18-26-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang iyong plano ‘yun ang gawin mo. Huwag mo na itong baguhin pa, ang mga taong pabagu-bago ng desisyon ay nakakaantala ng suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-26-36-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Kung saan maluwag ang iyong dibdib, ‘yun ang piliin mo. Huwag mong pansinin ang mga taong hindi alam ang mga tunay na nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-27-36-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang tatawagin para maglingkod sa bayan. Sa umpisa, aayaw ka dahil mahirap silang pakisamahan. Pero dahil sa paglilingkod mo, mapapalapit sila sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-19-22-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang papayag na mahinto ang iyong pagsisikap. Mag-isip ka ng bagong pagkakakitaan nang sa gayun ay maabot mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa ‘yo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-18-25-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Walang sinuman ang may karapatan na pintasan ka, at higit sa lahat, wala ka dapat patunayan sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-16-29-35-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumagaan ang mga gawain kapag walang istorbo sa paligid. Mas madadalian ka kung mag-isa at tahimik ka lang na kumikilos. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-17-26-33-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka masaya, ru’n ka! Ito ang mensahe para sa ‘yo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-27-33-37-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa mga kaibigang masayahin ang iyong suwerte. Kaya dumikit ka sa kanila para dapuan ka rin ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-17-31-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba pero epektibo ang susi ng iyong mga suwerte sa buhay. Ito ang nagsasabing kailangan ka mahalikan ng hangin sa iyong pisngi. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-18-23-33-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – May kakambal kang suwerte, at dadapo ito sa iyo ngayon. Maaaring maantala ang isa pero kambal pa rin ang kailangan mong itawag dito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-17-25-34-39-44.




Comments