top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | November 1, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 1, 2021



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2021 (Lunes): Kahit saan ka mapunta, mahalagang papel ang iyong gagampanan na nagpapakita ng pagmamahal mo sa kapwa na siyang dahilan kung bakit ka masuwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang masaya sa mga kaibigan mo, siya ang panggagalingan ng mga suwerte mo. Makabubuting lumayo ka muna sa mga paladaing, iyakin at reklamador. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-23-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisikat ang Haring Araw sa kapalaran mo, ibig sabihin, kakaibang sigla ang hatid sa iyo ng araw na ito at ang mga suwerte ay dadagsa sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-12-15-20-25-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap umusad ang negosyo ngayon, pero kung mananatili kang positibo, hindi ka gaanong maaapektuhan ng negatibong pangyayari tulad ng nararanasan ng iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-15-22-29-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit na hindi ka gaanong maaapekatuhan kahit taghirap at may pandemya pa. Habang mahina ang mga negosyo, ikaw ay makararanas ng sunod-sunod na pag-unlad at pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-18-24-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon aanihin ng mga nasobrahan ang tiwala na ang buhay ay palaging maganda dahil sila ay makararanas ng kagipitan. Ang mensahe ay hindi ka matutulad sa kanila kung magtitipid ka. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-21-29-35-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumili ka ng isa at magugulat ka dahil dalawa ang iyong makukuha. Ito ngayon ang iyong magiging kapalaran at kung gagawin mo sa isang pagkilos pero dalawa ang gagawin, uunlad ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-26-39-41-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawasan mo ang paglabas at paglalakwatsa. Kung hindi mo maiiwasan, ikaw na lang mag-isa dahil nagbababala ang mga kaibigan mo na magiging pabigat sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-23-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtipid ka, hindi sa gastos kundi sa kilos. Malaki ang enerhiyang mawawala sa isang tao kapag siya ay kilos nang kilos. Ito ang panlaban mo sa karamdaman na usong-uso ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-23-35-40-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sa kasalukuyan ang pakikipagsapalaran na maliit lang ang tsansa na manalo. Mas maganda na kahit walang madagdag, dapat wala ring mabawas sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-21-25-28-30-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo bilangin ang magagandang bagay na sumasaiyo, bilangin mo rin ang hindi magaganda. Makikita mo ang katotohanan na mas matimbang ang una kaysa sa huli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-26-27-37-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nakakarinig ang bingi, pero siya, sa totoo lang ay nakakaintindi. Lihim lang na nauunawaan sa iyong pangangailangan ng isang akala mo ay walang pakialam sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-16-28-35-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang kontra nang kontra sa iyo. Marami talagang nag-aakala na alam niya ang mga mangyayari, pero mapapahiya sila dahil ang magaganap ay iba sa kanilang sinasabi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-18-22-24-31-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page