Horoscope | Nobyembre 8, 2022 (Martes)
- BULGAR
- Nov 8, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 8, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2022 (Martes): Malaki ang maitutulong sa iyo ng pangingibang-bansa dahil ayon sa araw ng iyong pagsilang, may naghihintay sa iyong magagandang kapalaran sa malayong lugar.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniniwala sa mga maririnig mong magagandang ideya dahil ang anumang pagbabago sa paniniwala mo ay hindi makakabuti sa papagandang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-23-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit dikit ka pa nang dikit sa taong hindi naman maniniwala sa iyo? Magsasayang ka lang ng oras sa kanila, kaya mas magandang maghanap ka ng bagong mga kaibigan na iyong maaasahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-8-15-29-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingay ka dahil may babala na mapapahamak ka dahil sa isang akala mo ay tunay na kaibigan. Ang inuuna ang sariling kapakanan ay hindi totoong kaibigan. Ito ang babala para sa iyo. Mauswerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-20-25-26-37.
CANCER (June 21-July 22) - Ipagpaliban mo ang pagpunta sa malayo kung hindi ka pa handa. Ang sugod nang sugod ay kadalasang nanghihinayang sa sana’y magsasaya siya nang todo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-10-18-29-32-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang kuwento nang kuwento ngayon. May nag-aabang na madiskubre ang iyong kapintasan at ibabahagi sa mga taong magkakalat ng iyong kahinaan. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-14-17-21-24-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka makakakilos dahil ikaw ay nakikipagdebate sa iyong sarili. Mas magandang makinig ka sa masasayang musika at makikita mo na makokondisyon ang iyong isipan. Dahil dito, mas maraming magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-20-25-28-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwede na manatili ka sa bahay. Kung mapapansin mo, kapag hindi ka nakalabas, nananamlay ka. Ikonsidera mo ang pamamasyal sa bahay ng iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-25-29-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling lilitaw ang lihim na lungkot mo. Kahit ang magagandang tanawin ay hindi sapat para malabanan mo ito. Mas maganda pa rin na maging abala ka sa trabaho. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-25-28-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo ang pagkita ng pera at ang pagpapalago ng kabuhayan. Hindi ka dapat tumulad sa mga nagsasaya kahit pag-uwi sa kanila ay sinasalubong ng napakaraming problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-28-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit ka nagpapagod para sa iba? Baka matulad ka sa nagsisisi dahil ang inuna ay ang kapakanan ng ibang tao. Mas maganda na kahit paano, kumilos ka para sa iyong kapakinabangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-20-24-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Planuhin mo na ang mahabang pamamasyal. Ang nakahanda ay mas sumasaya kaysa sa may mga obligasyon na nakakagulo lamang sa iyong isipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-19-25-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, hindi na pahahalagahan ng langit ang iyong mga kahinaan at pagkukulang. Ang magagandang kapalaran para sa iyo ay ibibigay pa rin kahit ano at sino ka man. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-23-30-33-36.




Comments