top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 7, 2022 (Lunes)

BULGAR
Nov 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 7, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2022 (Lunes): Kailaman ay hindi ka pababayaan ng Dakilang Manlilikha na lumalang sa iyo. Ang mga pagkakataong mapaganda mo pa ang iyong buhay ay palaging nag-aabang sa landas na iyong nilalakaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inaayos na ng langit ang hindi mo kayang ayusin. Ito ang resulta ng iyong pagpapakumbaba. Kung magtutuloy-tuloy ito, ang kapalaran mo ay lalong gaganda. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-20-21-25-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tulad ng paroparo, palipat-lipat ang mga suwerteng umaaligid sa iyo. Hindi magtatagal, ito ay dadapo at ikaw ay matatagpuang pinamumugaran ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-12-15-26-28-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang maganda sa paningin, ru’n mo itutok ang iyong mga mata. Ang anumang maganda ay nagbibigay ng inspirasyon at sigla sa tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-29-32-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Kapansin-pansin na may init kang madarama sa iyong pisngi. Ito ang halik ng kapalaran na ang ibig sabihin, ngayon at sa susunod pang mga araw, mapasasaiyo ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-28-30-33-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makakasingit sa iyo ang mga kaisipan na puwedeng bumago sa buhay mo. Ito ay dahil ayaw mo nang manatili na pinahihirapan ka ng pagkabagot. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-26-29-30-35-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang pagurin ang iyong isip. Ang maganda ay maganda at kaya lang naman pumapangit ay dahil hinahanapan mo ng kapintasan at pagkukulang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-9-20-21-25-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang hindi na kailangang bantayan. Bakit mo papahirapan ang iyong loob sa pag-iisip ng mga negatibo? Makakasama sa tao ang pagdududa at walang katapusang hinala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-25-27-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagtatago ang suwerte mo sa mga bagay na ayaw mo dahil ang kapalaran ay narinig mo ring nagbibiro. Sa ganitong paraan, lalo kang sasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-22-24-28-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ang mga taong puro kontra lang ang ginagawa. Ang mga kontrabida, kahit kailan ay nakakasira ng kapalaran. Dumikit ka sa mga taong may positibong pananaw at kaisipan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-24-27-36-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalin mo ang iyong sarili. Hindi tama na nagsasakripisyo ka, pero nawawala naman ang iyong dignidad. Gumising ka sa katotohanan na ang dapat unahin ay ang sariling kapakanan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-27-30-31-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit kontrahin mo, bubukas ang iyong puso. Hindi nadadaya ang puso at hindi napipigilan ang pagmamahal. Mas mabuti kung makiayon ka sa tinitibok ng iyong puso at sinisigaw ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-21-25-29-33-37

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang malaking suwerte kapag pinagbigyan at tuluyan mong pinatawad ang nagkamali sa iyo. Hindi inaaway ang hindi sinasadyang nagkamali. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-25-27-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page