Horoscope | Nobyembre 6, 2025 (Huwebes)
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 6, 2025

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2025 (Huwebes): Hindi papayag ang iyong kapalaran na manatili ka sa hindi magandang buhay. Makikita mong ang langit ay kumikilos para mapasaiyo ang kaligayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panahon mo ngayon. Kaya ituloy mo lang nang ituloy ang dati mo nang pinaiiral na lakas ng loob. Makikita mo, muli ka na namang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Angat ka ngayon. Maraming mata ang sa iyo ay nakatingin, dahil hinahangaan ka at ikaw ang kanilang magiging modelo o inspirasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-23-34-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang susi ng iyong pag-unlad at pagtagumpay. Kaya sa panahong ito ng iyong buhay, hindi puwedeng babagal-bagal. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-16-21-28-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpaparamdam sa iyo ang isang malaking suwerte. Kaya itakwil mo ang mga negatibong gawi at ugali mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-20-30-32-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ka ngayon, at gamitin mo ang kasikatan mo sa pagkakaperahan. Kapag nagawa mo ‘yan, unti-unti nang uunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-11-16-24-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibisitahin ka ng isang magandang kapalaran; kapag nakita mo ito, siya’y kilalanin mo. Tunay ngang siya ay mapapasaiyo at magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-9-14-22-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tunay na pag-ibig at tapat na pakikipagrelasyon ang susi upang ika’y lumigaya. Ibig sabihin, huwag kang titigil na umibig. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-16-29-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi naiiwasan ang pagkakamali. Ang mahalaga ay kumikilos ka para mabago ang iyong buhay. Huwag matakot magkamali; ang katakutan mo ay ang kawalang pag-asenso dahil sa kawalan ng pagkilos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-28-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahuhulog ang mga bituin dahil hindi na nila kaya ang kanilang bigat at ningning. Ibahagi mo sa iba ang ilang suwerteng iyong tinatamasa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-17-23-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka tinatablan ng mga intriga. Ito ang panlaban sa mga taong walang magawa kundi siraan at pabagsakin ang kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-25-27-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakayanin ng malalapit sa iyo ang hindi mo kaya; mararanasan mo ang diwa ng pagtutulungan dahil sa pagmamahalan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-24-31-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makikitang mas madalas na nakatingin ka sa malayo. Ito ay nagpapayo na aktuwal kang lumayo—mamasyal sa lugar na malapit sa kalikasan. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong enerhiya. Kasunod nito, sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-21-28-33-40.





Comments