top of page

Horoscope | Nobyembre 5, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 5, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2025 (Miyerkules): Mabilis kang yayaman kung lalakasan mo ang loob mo lalo na pagdating sa negosyo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Taglay mo ngayon ang kakaibang talas ng isip, at sapat na ito para masolusyunan ang mga suliraning makakaharap mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-24-27-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatangayin ka ngayon ng isang nagsisikap. Kumbaga, hihilahin ka niya para sabay kayong umasenso. Hindi ka dapat tumutol, dahil ito na ang pagkakataon para tuluy-tuloy kang umunlad at lumigaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-21-23-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Aayon sa dati mong plano ang mga pangyayaring magaganap sa susunod na mga araw. Ngunit sa mga plano mong walang kaugnayan sa kabuhayan, hindi ito aayunan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-20-25-33.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga masasayang nangyari sa buhay mo. Ito ngayon ang panlaban mo sa mga hindi magagandang nararanasan at nararamdaman mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-16-28-32-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Madali kang mapapaniwala ng mga mabibilis magsalita. Kung hindi ka mag-iingat, huli na bago mo mamalayang ikaw pala’y naloko. Kaya ang pinakamabuti mong gawin ay mag-ingat! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-21-27-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo agad. Kapag hindi mo ito ginawa agad, malabong magawa mo pa kahit kailan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-16-35-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang iyong piliin. Huwag mong dayain ang iyong sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng paliwanag at katuwiran sa mga bagay na hindi naman talaga maganda. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-29-31-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kulang ka sa bilis, kaya nauunahan ka ng iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-22-26-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagal ang tao kapag pinapasan niya ang hindi naman niya pasanin. Sa huli, hindi na rin niya kayang paunlarin ang kanyang sarili. Ito ang iyong isipin, dahil kapag pasan ka nang pasan ng kung anu-ano, mangyayari din sa iyo ang ganyan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-17-24-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyang-luwag mo ang sarili mo; kaya ang dapat, magsaya ka! Sa pagsasaya at paglilibang, gumiginhawa ang pakiramdam. Ang maginhawang pakiramdam ay humihigop ng mas madami at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hanapin mo ang pagbabago dahil nasa pagbabago ang pagganda ng buhay. Hindi puwedeng manatili ka sa luma, sa kawalang pag-usad ng kapalaran, at sa mga kabiguan. Ito ang iyong isipin ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-22-25-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang patutunguhan ang taong walang pangarap. Sa ngayon, lubhang kailangan mong magkaroon ng pangarap, at higit pa sa pangarap, dapat pilitin mong maabot ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-15-33-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page