top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Nobyembre 5, 2022 (Sabado)

BULGAR
Nov 5, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 5, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2022 (Sabado): Negosyo ang tunay na magpapayaman sa iyo. Puwede ka rin sa ibang hanapbuhay, pero itutulak ka ng kapalaran mo sa pagnenegosyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sakyan mo ang mabilis na takbo ng iyong kapalaran. Dadalhin ka nito sa lugar kung saan kusa mong maaabot ang tuktok ng iyong tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo ngayon ang iyong paboritong kuwintas kahit nasa bahay ka lang. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Ito ang utos ng iyong kapalaran, kaya sundin mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-19-20-25-27-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Susuwertehin ka ngayon kahit wala kang gawin at kahit ikaw ay nag-aalinlangan dahil noon pa nagpasaya ang langit na bigyan ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-15-16-26-33.

CANCER (June 21-July 22) - Magsuot ka ng makikislap na gamit. Tiyak na dadapo sa iyo ang magandang kapalaran at huwag mo ring kakaligtaan na ang mga labi ay may ngiti kahit matipid na ngiti lamang. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-20-21-27-34-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madali kang matatangay ngayon ng mga taong nasa paligid mo. Huwag na huwag mong kalilimutan na mas mahalaga ang kinabukasan kaysa sa masasayang kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-28-30-32-38-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sa ngayon ay hindi makasingit ang mga suwerte na gustong dumapo sa iyo dahil ayaw mong huminto sa kaiisip kung ano ang gagawin mo sa buhay. Gayunman, pahinga sa isip at kilos ng mga kamay ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-19-20-24-28-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sanayin mo ang iyong sarili na maraming nagkakagusto sa iyo, ngunit hindi ka dapat masanay na higit sa isa ang karelsyon mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-21-24-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatago sa akala mo ay hindi makakabuti sa iyo ang malalaking suwerte mo. Mas maganda kung ipauubaya mo sa kapalaran ang mga pangyayari. Kumbaga, huwag kang sumalungat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-26-28-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagkatapos ng masungit na panahon, sumisikat ang Haring Araw. Pagkatapos ng hirap at pasakit, kasaganaan naman ang darating sa iyo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-25-26-33-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magmamadaling dumapo sa iyo ang mga suwerte kapag ikaw ay natagpuang palaging masaya. Lalayo naman sila kapag patuloy mong niyakap ang kalungkutan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-20-25-28-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga paladaing, iyakin at palakontra. Ikaw ay maaaring mahawa at ang kapalaran mo ay papangit tulad ng ugali nila. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-21-25-27-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mapasasaiyo ang mga suwerte na inayawan ng iba dahil sa maling akala na ang mga ito ay hindi makakatulong sa kanila. Gayunman, ito ay tunay na suwerte at magandang kapalaran na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-16-20-35-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page