Horoscope | Nobyembre 4, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 4, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2026 (Miyerkules): Masuwerte ka, at marami rin ang susuwertehin dahil sa iyo. Gayunman, unahin mo muna ang iyong sarili bago ang iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mo nang simulan ang mga bagay na tapos na. Mas mabuting magsimula ka ng bago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapadala sa kagustuhan ng iba dahil lamang close kayo. Manindigan ka at siya ang dapat sumunod sa kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-15-24-36-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Lagi namang may nakaharang sa landas ng buhay na tinatahak ng isang tao. Kaya hindi rin malaking bagay para sa iyo ang mga pagsubok na iyong makakaharap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-27-32-43.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para ilabas ang iyong mga saloobin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-20-33-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mangyayari ang gusto mo. Ang mangyayari ay kung ano ang dapat mangyari. Ang mga kagustuhan mo sa ngayon, aminin mo man o hindi, ay wala pa sa tamang panahon upang matupad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-22-26-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka mahihirapan, iyon ang piliin mo. Mahirap unawain ang buhay sa mundong ito. Sa ngayon, ang suwerte mo ay nasa mga bagay na kailangan mo munang paghirapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-15-21-30-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran, dahil kung sino pa ang hindi mo kasundo, siya pa ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-24-29-32-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi paramihan ng kilos ang paraan upang umasenso. Ang kailangan mo lamang ay tutukan ang nag-iisa mong pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-25-35-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong kusang malutas ang iyong mga suliranin at sakit ng ulo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-20-31-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiuso ka! Sa madaling salita, iwan mo muna ang mga makaluma mong paniniwala. Kung hindi mo ito iiwan, mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-22-28-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mangahas na gawin ang isang bagay na hindi kinaya ng iba. Kung gusto mong kayanin ito, pag-aralan mo muna. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-21-29-31-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kitang-kita ang mga suwerteng maaari mong makuha ngayon. Pero may kalaliman ang mga ito kaya ihanda mo ang iyong sarili sa mga paghihirap na maaari mong pagdaanan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-33-37-41.



Comments