Horoscope | Nobyembre 3, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 3, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2026 (Martes): Nakakagulat ang iyong kapalaran dahil kahit wala ka nang interes sa mataas na posisyon, makukuha mo pa rin ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo muna ang sitwasyon bago ka sumugod. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran sa mga araw na ito upang mas madali kang magtagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-31-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilos nang kusa ang kapalaran mo kahit wala kang gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-22-39-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang susi sa anumang gagawin mo. Kapag nagawa mong magmadali, ang suwerte at magagandang kapalaran ay madali at mabilis ding mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-23-25-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Sisilip ang liwanag sa iyong kabuhayan. Ibig sabihin, matatanaw mo na ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng kabuhayan at pinagkakakitaan mo na dati ay parang babagsak na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-26-29-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili, dahil sa katunayan, ang langit mismo ang nagpapaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-18-20-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang sumuko. Ang masama ay ang hindi marunong kumilala sa pagkakamali. Ibaba mo ang bandera mo dahil sa pagkakataong ito, mali ang inaakala mong tama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-16-21-28-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapahamak ang suwayin, samantalang ang mga masunurin ay umaani ng tagumpay, paghanga at pagpapahalaga. Iwasan mong tumigas ang loob mo. Hindi maganda ang pagkakaroon ng saradong isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-17-22-24-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumaban ka at huwag mong atrasan ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-19-26-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng pasanin. Hindi puwedeng habambuhay mong pasanin ang mga taong ayaw namang ayusin at pagbutihin ang kanilang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-16-24-31-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang mga salitang iyong gagamitin dahil mas malakas ang dating ng nagsasalita nang may kahulugan kaysa sa taong salita lang nang salita. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-10-16-21-26-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit mabigla ka, manatili kang kalmado. Madalas, ang mga nakakagulat na sitwasyon ay nagreresulta sa paglabas ng kahinaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-20-25-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit ngayon. Para mas malaki at mas marami ang mapasakamay mo, alisin mo ang kalungkutan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-18-23-38-41.



Comments