top of page

Horoscope | Nobyembre 4, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 4, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2025 (Martes): Patuloy kang sinusubaybayan ng langit laban sa mga taong gusto kang pabagsakin. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Alam mo ba kung nasaan ang iyong suwerte? Maaaring hindi ka maniwala, pero ang suwerte mo ay magmumula mismo sa mga kaaway mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-31-33-38.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi natitinag na pangarap ang susi ng iyong tagumpay. Kahit anuman ang pagsubok na iyong makaharap, ang payo ay huwag na huwag kang magbabago ng pangarap mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-15-18-24-39.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Makikislap na mga kulay ang iyong pampabuwenas. Kaya huwag kang gumamit ng mga luma at kupas na bagay, nang sa gayun ay kusang lumapit sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-17-25-37-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magpakita ka ng kabaitan sa iyong kapwa kahit na dayain ka nila. Sa ganitong paraan, ang mga biyaya mula sa langit ay ihuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-23-30-36.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magyabang kahit na may maipagmamayabang ka. Ang magagandang kapalaran ay para lamang sa mga mapagpakumbaba at hindi sa mga mapagmataas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-25-28-31-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa malapit lang ang suwerte mo, kaya ang balak mong paglayo ay hindi tumatama sa plano ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-17-23-25-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makukuha mo ang pinakamaganda kapag tinimbang-timbang mo ang mga katangian ng mga nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-15-22-28-30-33.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsisimula na muli ang mga araw na kung kailan ay puwedeng-puwede kang kumita ng maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-4-13-21-31-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bubusugin ka ngayon ng iyong kapalaran ng magagandang bagay. Ang hindi mo naman talaga kailangan ay puwede mong ibigay sa malalapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-16-25-29-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Oo, panahon mo ngayon, at para mapatunayan mo na panahon mo ngayon, mag-isip ka ng isang bagay na noon mo pa gustung-gusto. Simulan mo lang, kahit hindi mo tapusin, ang langit ang tatapos para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-20-34-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang masuwerte ngayon? Eh ‘di sino pa nga ba, kundi ikaw! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-24-26-33-38-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang mga suwerte sa sandaling inaakala mo na wala kang kakampi. At dahil patuloy kang bubuwenasin, muling dadami ang didikit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-29-35-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page