Horoscope | Nobyembre 3, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 3, 2025

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2025 (Lunes): Mas malakas ka kesa sa pangkaraniwan. Kaya itinalaga ka ng iyong kapalaran sa mas mataas na posisyon at katungkulan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito na ang araw na iyong pinakahihintay, kung kailan ay madali mong maisasagawa ang mga plano mong naantala dahil sa paghihintay ng masuwerteng araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala na hindi ka papalarin. Madalas dinadaya ng tao ang kanilang sarili dahil sa mga negatibong pakiramdam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-16-21-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Isa-isa lang ang dampot ng suwerte. Hindi lahat ay kayang hawakan ng kamay. Kapag pinilit mo, marami lang ang masasayang. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-13-28-31-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka ayon sa gusto mo, dahil ngayon at ang ilang araw pang darating ay papabor sa mga hangarin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-25-29-38-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit madami ang mabawas sa iyo, gawin mo pa rin ang obligasyon mong pasayahin ang mga malalapit sa buhay mo. Sa ganitong paraan, matutuwa ang langit at dadagdagan pa ang mga biyaya mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-19-28-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang masasayang kapag ginawa mong puhunan ang pagkilos. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-16-24-32-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang tulak ng bibig, kabig ng dibdib ay puwede ring gamitin sa pagkukunwaring malungkot ka, pero sa totoo ay sobra-sobra ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-27-31-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinatangay ng hangin ang mahihina. Ganundin sa tao, natatangay ang mga mahihinang personalidad. Gayunman, malakas ka, kaya hindi ka dapat magpatangay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-6-13-20-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na hindi magtatagal ay tataas din ang ranggo mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-22-26-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas madaming oras sa trabaho, mas madaming kikitain. Huwag mong palampasin ang araw na ito, na kung saan ay maganda ang takbo ng iyong negosyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-20-25-33-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansin mo bang sumasaya ka ngayon? Ito ang paunang pahiwatig na ang mga suwerte mo ay tuluy-tuloy at wala nang awat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-9-19-23-28-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng magpatalo sa negatibong kaisipan. Sa mundo ng pantasya, naru’n ang mga nakakatakot na nilalang, pero ang nagwawagi ay ang mga nasa panig ng kabutihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-27-39-45.




