Horoscope | Nobyembre 3, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 3, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2022 (Huwebes): Iaangat ka pa sa mas mataas na puwesto dahil hindi papayag ang langit na maungusan ka ng iyong mga karibal. Ito ang ikinikilos ng kapalaran mo na walang makakapigil.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagdadamutan ng langit ang madadamot ngayon at upang hindi ka mapabilang sa kanila, dapat ay maging galante ka. Hindi kabawasan sa iyo ang mga bagay na ipamimigay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-25-26-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahinga, ito ang mahigpit na inirerekomenda sa iyo. Sa pamamahinga, walang magagawa ang mga negatibong puwersa na gumugulo sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-22-23-38-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Lihim kang matuwa ‘pag nadiskubre mo na may hindi magandang motibo sa iyo ang isang tao dahil ang kondisyon bago ka buwenasin ay ang may magtatangka na ikaw ay dayain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-21-25-26-35.
CANCER (June 21-July 22) - Talasan mo ang iyong pakiramdam. May isang tao na ayaw ipahalata ang damdamin niya para sa iyo. Sa kanya, may magagandang kapalaran ka na magbibigay sa iyo ng hinahanap mong saya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-22-28-31-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong maging mapagmalaki dahil nakamasid sa iyo ang langit. Kapag nakita kang mapagpakumbaba, ang malalaking grasya ay ihuhulog sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-24-27-30-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nalalagas ang mga dahon para mapalitan ng mga bagong usbong. Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kagapanan dahil ang lahat ay para sa iyong kabutihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-15-23-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong husgahan ang kapwa mo sa panlabas na anyo dahil ang isa sa katotohanan sa buhay ng tao sa mundo ay nagsasabing, ang lantay na ginto ay nababalutan ng putik at lupa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-28-38-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka dahil sa bawat hakbang na iyong gagawin, may posibilidad na masaktan ka. Pag-aralan mong mabuti ang iyong plano bago mo ito ipatupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-11-16-22-28-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyong-iyo ang araw na ito, hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Binuksan na ang bintana ng langit para sa iyo, kaya anuman ang hilingin mo, ito ay tiyak na magkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-24-26-27-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawalan ka, pero ang madadagdag sa iyo ay labis mong ikakatuwa. Makakalimutan mo na may nawala sa iyo, ngunit ang palagi mong maaalala ay ang dumapong suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-12-19-29-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapadaya sa magagandang pangako. Nakukuha ang ganda ng buhay mula sa taong gumagawa muna ng maganda na hindi nagsasalita. Ito ang payo sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-29-30-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun mismo ang ipakita mo. Ito ang susi nang hindi na maulit ang mga kabiguan. Sa pagiging tapat, nahahanap ang tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-16-28-34-35.




Comments