top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Nobyembre 29, 2022 (Martes)

BULGAR
Nov 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2022 (Martes): Hindi ka bibiguin ng langit sa iyong mga pangarap. Ito ang gantimpala dahil sa kabaitan na ipinakikita mo sa iyong mga kapwa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan sa harap ng masalimuot na sitwasyon. Kontrolin mo ang init ng ulo mo nang sa gayun ay makuha mo ang tamang paraan sa pagresolba ng mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-23-36-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw mismo ang nagpapasikip sa landas ng buhay na iyong tinatahak dahil sa mga negatibong pananaw na labas-pasok sa isip mo. Magandang ikaw ay palaging maging positibo, lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-28-36-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mabuting pagsabay-sabayin ang mabibigat na proyekto. Ang payo ng iyong kapalaran ay unahin ang kayang tapusin at isunod ang iba pang medyo nahihirapan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-22-26-38-40.

CANCER (June 21-July 22) - Gumagaan ang pasanin kapag may mga inspirasyon. Kumuha ka ng inspirasyon sa mga mahal mo sa buhay na nagbibigay sa iyo ng lakas at sigla. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-29-31-32-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Wala ka bang makatulong dahil ang mga natulungan mo noon ay hindi mo makita ngayon? Huwag kang mag-alala dahil mismong langit ang aagapay sa iyo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-28-32-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong talino para makaiwas ka sa sobrang malapit sa iyo. Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag hindi ka nakaiwas, malalaking problema ang dadagan sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-27-29-30-31-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang iyong buhay. Alamin mo kung ano ang mahalaga sa hinaharap o kinabukasan at ‘yun ang panatilihin mo. Muli, timbangin mo ang iyong buhay nang hindi ka magsisi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-20-22-24-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Yakapin mo ang makalumang tradisyon dahil ang mga bagong nakakaugalian ay hindi pa angkop sa iyong kalagayan. Huwag mong kalimutan na mas mabuting maging tapat sa sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-25-26-39-40-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap sundin ang mga bawal dahil nililimitahan ng mga ito ang kalayaan. Gayunman, ang pagsunod sa mga bawal ay makakabuti at may kagalingan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-18-26-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang may karanasan at kunin mo ang mga aral sa buhay na natutunan nila. Ang mga ito ay gagabay sa iyo nang hindi ka mabigo sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-20-25-27-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka habang ang panahon ngayon ay para sa pagsasaya. Kahit gusto mong magsaya, hindi ka na gaanong liligaya kapag hindi na panahon ng pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-24-29-30-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pinalalaya ng katotohanan ang taong naligaw ng landas. Mamuhay ka sa katotohanan upang ikaw ay makabalik sa tamang daan. Sa ganitong paraan, matatagpuan ang mas maunlad, maligaya at maliwanag na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-23-31-33-37-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page