top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 28, 2022 (Lunes)

BULGAR
Nov 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 28, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2022 (Lunes): Totoong marami ang maiinggit sa iyo dahil nakakainggit ang kapalaran mo. Makikitang ikaw ay palaging nabibiyayaan ng mga suwerte mula sa langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdadatingan ngayon ang mga surpresa ng langit para sa iyo. Magugulat ka dahil sa mga sandali at araw na ikaw ay nag-aalinlangan, dadapo sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-29-30-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nabubuhay ang tao nang nag-iisa lamang. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing, para sumaya ka, dapat may kasama ka sa pagsasaya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-26-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Malilito ka dahil totoong mahirap magdesisyon sa maraming oportunidad na nasa iyong harapan. Ang nakikita sa bolang kristal ay nagsasabing, ang pipiliin mo ay kung saan ka masaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-23-25-37.

CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na may suwerte kang makukuha sa sinumang makakasama o makakadikit mo. Kusang malilipat sa iyo ang ilang suwerte niya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-16-22-28-29-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dumating na ang takdang araw at ito ay ngayon na. Ang anumang hihilingin mo ay gagawan ng paraan langit upang magkatotoo. Kahit ito ay mahirap at may pagkaimposible, tiyak na ito ay mangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-25-29-30-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Hindi puwede na mahirapan ka ngayon sa palaisipan na aktibidad at uubos lang ng iyong saya at lakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-27-33-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsisimula na ang mga bagong kabanata sa iyong buhay, kung saan puwede kang magkaroon ng tunay na kaligayahan. Huwag mo nang ipilit na magbalik sa nakaraan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-24-27-29-34-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi uubra ang dalangin ng mga taong naiinggit sa iyo kung saan ikaw ay mapahamak. Bagkus, kabaligtaran ang mangyayari, ikaw ay pagpapalain at ang mga naghahangad ng iyong kasawian ang mapapahamak at mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-25-26-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikonsidera mo ngayon ang pagpapasaya ng iyong sarili. Nabubuhay ang tao, hindi lamang sa pakikisama sa mga kapwa at kaibigan. Kailangan din ang pansariling kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-20-27-28-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hindi mo gusto, sundin mo ang payo ng isang malapit mong kaibigan. Higit ka niyang kilala kasya sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-21-25-29-31-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbubunga ng saya ang saya. Ang lungkot ay ganundin — lungkot ang bunga at aanihin. Magsaya ka nang sa gayun ay lalo kang mabuhay sa saya. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-21-28-30-31-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatanggap ka ng marami at maagang regalo mula sa langit. Ang una ay senyales na ikaw ay magkakaroon ng masayang pag-ibig. Ang pangalawa ay may kaugnayan sa salapi at modernong gadget. Masuweteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-24-28-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page