top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Nobyembre 27, 2022 (Linggo)

BULGAR
Nov 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 27, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2022 (Linggo): Inaasahan na makukuha mo ang iyong malalaking ambisyon dahil sapat ang lakas ng loob na ibinigay sa iyo ng langit nang ikaw ay isinilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito. Ngayon mo simulan ang mga plano mo na magpapaunlad sa kabuhayan at ituloy mo rin ang mga aktibidad na ikaw ay makikinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-27-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ngayon ng langit ng pagkakataon na maipakita ang galing at husay mo sa pagpaparami ng kita. Ipakita mo ang magagandang paraan na noon pa ay nasa isip mo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-24-28-38-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw ay binabalaan na maaaring lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Kapag napansin mo na nagiging ganu’n ka na, alalahanin mo na minsan ay nakaranas ka rin ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-17-22-25-26.


CANCER (June 21-July 22) - Lalakas ang loob mo. Ingatan mong makapagsalita ng hindi magagandang bagay na ikaw mismo ay wala sa katwiran. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-24-25-35-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Parang biglang nabawasan ang iyong nadaramang saya. Ito ay sa dahilang ikaw ay inuutusan ng langit na maging seryoso sa mga bagay na ikaw ay kikita at makikinabang ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-22-24-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang malito. Bakit ka naguguluhan sa kung ano ang gagawin mo? Simple lang ang susi sa problema mo at ito ay ang kumilos ka upang umangat nang husto ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hanapin ang mga katangian ng isang tao sa ibang tao dahil hindi mo rin naman makikita. Pero ang puwede mong makita ay kung ano ang mas maganda sa kanya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-20-27-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon. Muling ibinalik ng langit ang mga araw na sasaya ka dahil sa mga nangyayari sa buhay mo na kitang-kita mong papaunlad ka nang todo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-16-23-25-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy kang pinapasaya ng langit, gayundin ng mga tao sa iyong paligid. Maging mapagpahalaga ka sa mga ibibigay sa iyo. Ingatan mong masayang ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-24-26-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naaaninag mo na ang liwanag ng iyong mga plano. Huwag mong babaguhin o papalitan dahil ang mga bagay na matagal mo nang binalak ay inaayunan at pinapaboran ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-23-28-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ikalungkot ang nag-aalisan at lumalayo sa iyo. Ang totoo, mismong langit ang may gusto na sila ay mawala sa iyo at papalitan ng iyong mga papakinabangan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-12-28-30-33-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang taga-alalay at tagatulak para sa mga may kakayahan pero mahihina ang loob. Gawin mo at pagbutihin mo nang husto dahil tatanggap ka ng mga espesyal na regalo mula sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-28-31-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page