Horoscope | Nobyembre 26, 2022 (Sabado)
- BULGAR
- Nov 26, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 26, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2022 (Sabado): Malalaki ang suwerteng inilaan sa iyo ng langit, kaya makakaranas ka ng mga pangyayaring magpapatatag sa iyong personalidad nang hindi masayang ang mga suwerteng magdaratingan sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pampasuwerte mo ngayon. Ilabas mo ang iyong gamit na gawa sa metal, kinisin at linisin mo ito nang sa gayun ay gumana ang mga ito. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-28-30-33-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang magandang araw para ayusin ang iyong silid-tulugan. Alisin mo ang mga kalat at ang mga bagay na hindi naman kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-15-16-27-28-38.
GEMINI (May 21-June 20) -Isuot mo ang paborito mong bagong damit o gamitin ang kahit anong bago mong kagamitan. Gawin mo dahil ito ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte na gustong-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-20-21-24-29.
CANCER (June 21-July 22) - Isingit mo ang pagdidilig o pag-aalaga ng mga halaman na iyong paborito. Sa ganitong paraan, maglalapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-21-22-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan mo. Magpasikat ka sa Haring Araw kahit sandali lang. Puwede ring itapat mo ang iyong palad sa sindi ng kandila at bahagya mong painitan. Ito ang magbibigay sa iyo ng malalaking suwerte ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-14-16-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ngayon ang sobrang luma mong gamit na puwede pang gamitin. Linisin at alisin mo ang mga namumuong alikabok at magugulat ka sa magiging resulta dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-26-39-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simpleng pakitaan mo ng maganda ang mahal mo. Gawin mo ito kahit ano pa ang tunay na nasa kalooban mo. Dahil sa araw na ito, siya mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-22-24-34-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan, pero tiyak na mapapangiti ka dahil ayon sa kapalaran mo, ang magsisilbing pampasuwerte mo ay walang iba kundi ang pinakamatalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-27-30-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakitaan mo ng maganda ang mga nasa ibaba mo. Sa totoo lang, kaya ka nasa itaas ay dahil na rin sa kanila. Kaya kapag natuwa sila sa iyo, lalo ka pa nilang itataas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-23-24-27-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ituloy mo lang ang ugaling praktikal at pagiging materyoso. Ibinabalita ng langit na malapit ka nang yumaman at magtagumpay sa mga materyal na bagay. Ito ay unti-unti nang mangyayari ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-25-28-30-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos at magsalita ka na ikaw ay masaya. Ito ang simpleng bagay na magbibigay sa iyo ng malalaki at magagandang kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-22-30-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap paniwalaan at puwede kang mag-alinlangan sa kung ano ang pampabuwenas mo sa araw na ito. Ang sagot ay ang iyong sapin sa paa, kaya linisin mo ito nang malinis na malinis at bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-19-21-26-28-35-39.




Comments