top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 25, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Nov 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 25, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2022 (Biyernes): Sa malayo, may mga suwerteng mapasasaiyo, at kahit sa malapit ay may mga suwerte ka rin. Pero ang mahalaga ay marunong kang magsinop ng mga suwerte na iyong natatanggap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka muna makakakilos nang maayos dahil ang magagandang ideya ay kasalukuyang labas-pasok sa isip mo. Hindi rin ipinapayo na agad mong gawin ang mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-15-28-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapatuloy ang pagganda ng takbo ng buhay mo habang nananatiling positibo ang iyong mga pananaw. Huwag na huwag kang mawawalan ng tiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-29-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Ililigaw ka ng iyong sarili, ibig sabihin, nasa tama ka, pero magpapalit ka ng pasya at sa huli, kung ano-anong problema ang mararanasan mo. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-17-20-21-26-27.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapatangay sa iyong damdamin. Kadalasan, ang damdamin ay nag-uudyok sa tao na hanapin muna ang ligaya bago ang magadang kinabukasan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-21-23-28-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa mga mapagkunwari. Kilala mo sila, kaya hindi ka nila madadaya. Alam mo ring marami sila na dumidikit sa iyo, kaya hindi puwede na mabiktima ka nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-28-34-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kaya nagkakamali ang isang tao ay dahil hindi niya pinag-aaralang mabuti ang kanyang pasya. Tagalan mo ang pag-aanalisa sa mga gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-22-23-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masyadong malakas ang karisma mo ngayon. Malakas din ang pangkumbinsi mo, kaya magagawa mong makuha ang gusto mo nang walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-19-21-24-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humiling ka ng simpleng bagay at ito ay mabilis na ipagkakaloob sa iyo. Ang mas magandang balita, humiling ka ulit ng bagay na noon mo pa gusto at ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-22-23-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaglalangan ang mapaniwalain. Kaya huwag kang basta-basta maniniwala. Magsaliksik ka muna at magtanong sa iyong mga pinagkakatiwalaang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-21-28-30-32-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka lang sa alam mong tama. Pero kung nag-aalinlangan ka, huwag kang sumunod. Minsan, ang pag-aalinlangan, sa totoo lang ay napapakinabangan din. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-22-23-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sikapin mong mapanatiling matamis ang pagmamahalan. Huwag mong hayaan na magulo ang inyong buhay dahil sa maliit na bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-23-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Puwede mo nang gawin ang mga gusto mong gawin sa nakaraan kung kailan napakaraming kumokontra sa iyo. Ito ang utos ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-20-22-25-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page