top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Horoscope | Nobyembre 22, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 22, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2026 (Linggo): Biglaan ang pagdating ng suwerte mo ngayon. Dahil biglaan ito, hindi lang ikaw ang magugulat, kundi pati na rin ang mga kakilala at kasamahan mo sa bahay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga taong alam mong wala namang magandang sinasabi. Sila ay mahihina at naghahanap lamang ng karamay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-20-27-31-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Akala mo lang masikip ang mundo mo. Pero ang totoo, ayaw mo lang lakasan ang loob mong makipagsapalaran para sa magandang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-19-24-32-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng bago upang lumapit sa iyo ang mga suwerte. Kapag luma ang isinuot mo, sa maniwala ka o sa hindi, kamalasan ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-22-28-30-43.


CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka sa mga iyakin at reklamador. Sila ang tunay na dahilan kung bakit mailap sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-27-34-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon muling mararanasan ng mga lihim mong kaaway na kapag nagplano sila ng hindi maganda para sa iyo, mas lalo ka pang lalapitan ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-21-29-35-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ang lumang gamit na akala mo ay wala nang silbi ay ‘yun pa palang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-18-26-27-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumigil ka kapag wala ka nang napapala at kung nahihirapan ka na! Hindi ka puwedeng matangay ng biglaang pagpapasya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-30-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang akala mong walang magandang maidudulot sa iyo ang siya pa palang magiging dahilan kung bakit ang mga suwerte ay magsisidapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-20-28-36-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangang unawain ang mga taong mahirap intindihin, pero hindi rin ipinapayo na layuan mo sila dahil may mga mabubuti at magagandang pakinabang din naman sa kanila. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-10-13-25-32-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap paniwalaan pero isang katotohanan na kaya minamalas ang ilang nasa paligid mo ay dahil napunta sa iyo ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-9-15-21-23-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Kaya anumang naisin mo, tiyak na makukuha mo agad. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-16-24-30-37-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa tabi mo lang ang mga suwerte. Kaya huwag ka nang maghanap sa malayo, bagkus yakapin at mahalin mo ang mga taong nand’yan para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-20-27-35-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page