Horoscope | Nobyembre 24, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2022 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang sarap ng buhay ay magpapabalik-balik sa iyong kapalaran. Tiwala lang ang iyong kailangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong iasa sa iba ang gusto mong mangyari. Naalala mo ba nang minsang may inasahan ka, pero nabigo ka lang? Kaya mong gawin nang mag-isa ang anumang gusto mo at mas madali kang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-14-20-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling ibinalik ng langit ang masuwerteng araw mo. Magsisimula ka nang makatanggap ng mga biyaya at pagpapala. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-21-25-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Gagabayan ka ng langit para hindi ka maligaw sa gagawin mong pagpapasya. Manatili kang positibo at buhay na buhay ang iyong pag-asa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-28-30-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa na manalo ka sa pakikipagsapalaran. Lakas lang ng loob at tiwala sa sarili ang iyong kailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-28-32-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaayos. Walang katahimikan kapag hindi nagkakaunawaan. Magsakripisyo ka kahit medyo mahirap para sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-28-30-31-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makampante kapag gumaganda ang takbo ng mga pangyayari. Ituloy mo ang pagsusuri sa mga nagaganap sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-25-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kasalukuyan mo. Ang ayaw sa iyo, siya ang mapasasaiyo. Habang ang gusto mo ay lalayo naman sa iyo. Pinasasaya ka lang naman ngayon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-22-25-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Ang hindi nahahawakan ay hindi kabilang sa reyalidad. Umiibig ka lang sa larawan, ito ang totoong nangyayari sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-16-20-28-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahuhulog ang loob mo sa isang hindi mo pinapansin sa nagdaan. Ngayon ay makikita mo ang kanyang naggagandahang katangian. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-21-25-27-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansa na makuha mo ngayon ang gusto mo. Kumilos ka nang hindi masayang ang araw na ito. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-10-15-16-28-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bubuwenasin ngayon ang hindi mahuhuli sa takdang oras. Maaga pa lang, gawin mo na ang mga dapat mong gawin nang ikaw ay suwertehin. Mas maaga, mas maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-29-30-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo na ikaw ay seryoso. Ang mga hindi seryoso ay hindi rin sineseryoso ng langit. Ito ang buhay sa mundo at ito rin ang mensahe ngayon para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-22-26-29-30-31.




Comments