top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 23, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Nov 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2022 (Miyerkules): Mabibilis ang galaw ng kapalaran mo, kaya limitahan mo ang iyong pagpaplano dahil ang pinakamaganda mong magagawa ay sakyan ang agos ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magagandang oportunidad ang iyong kinakaharap. Itakwil mo ang hindi magagandang katangian mo nang hindi masayang ang mga ito. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-15-20-23-28.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkikislapan ang mga pangyayari sa buhay mo. Huwag kang magpapasilaw. Ibig sabhin, panatilihin mong nakatutok ka sa kung paano matutupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-28-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Kung wala kang gagawin para ikaw ay umunlad, wala ka ring magandang kapalaran. Muli, hawak mo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-16-25-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka. Marami ang magtatangkang paniwalain ka sa mabibilis na pagkita ng pera na hindi ka mahihirapan. Lahat sila ay huwag mong paniwalaan. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-30-31-32-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ito ang araw ng pag-aalinlangan. Bagkus, ngayon ang araw para sugurin mo ang mga bagay na hindi mo nagawa sa nakaraan na may kinalaman sa ikagaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-25-26-30-41-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masuwerte ang araw na ito sa iyo para sa mabilisang proyekto na kikita ka ng malalaking halaga, pero mga simpleng paraan lamang ang dapat mong gawin. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-23-28-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang para sa pagpaparami ng kabuhayan. Anuman ang iyong pinagkakaabalahan, palagi mong isasama ang paraan kung paano ka makikinabang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-25-27-35-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sakyan mo ang mabibilis na kaganapan sa iyong buhay. Habang ginagawa mo ito, tandaan mo ang mga taong nakakatulong sa iyo sa mabilis mong pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-20-21-24-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumikilos ang kapalaran nang hindi mo namamalayan at nasumpungan mo ang iyong sarili na nasa mas mataas na kalagayan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-26-28-31-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maaakit ka na magsimula muli sa maliliit na proyekto. Muling babalik ang araw na kikita ka ng maganda at kapag pinagsama-sama ay isa nang kayamanan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-16-19-21-28-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gusto mo bang muling gumana ang iyong mga suwerte? Sundin mo ang payo na huwag kang manatili sa iisang lugar nang may katagalan. Gawin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-15-26-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka at bilisan mo ang pagpapatupad sa mabubuo mong plano. Ito ang susi para sa tuloy-tuloy mong pag-unlad at pag-asenso. Ganu’n lang ang gawin mo at tandaan mo, magplano at gawin mo agad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-19-20-26-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page