Horoscope | Nobyembre 22, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 22, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2022 (Martes): Ipaglalaban mo kung ano ang tama at matuwid. Ito ang papel mo sa mundo. Taglay mo rin ang kakayahang baguhin ang iyong buhay, gayundin ang buhay ng iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming nakapaligid sa iyo ang magtatangkang iligaw ka upang magkamali ka ng desisyon. Tulad ng dati, sundin mo ang sinasabi ng puso mo upang hindi ka madaya ng iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nalalanta ang mga bulaklak dahil dito sa mundo, ang lahat ay pansamantala at lumilipas. Nawawala ang mga dapat mawala dahil may mga bagong kapalaran na magsisimula. Ito ang dapat mong pagmasdan, pagtuunan at sunggaban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-22-28-36-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Mapapalaban ka ngayon sa pakikipagpalitan ng kaisipan. Magaganda ang maririnig mo sa kabilang panig. Buksan mo ang iyong isipan at huwag mong tingnan ang panlabas na hitsura ng iyong kaharap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-25-26-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Nakatago ang hindi makita, kaya ito ay hinahanap. Ang hinahanap mong magandang ugali ay hindi nakalantad. Suriin mo ang iyong mga kilos at hindi ang mga sinasabi lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-23-36-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling kikilos nang palihim ang mga naiinggit sa iyo. Hindi lang ‘yan, hindi sinasadya na sa pagkilos nila, ikaw ang lubos na makikinabang, kaya muli silang hindi makakapaniwala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-16-24-25.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakadama ka na parang nahihirapan kang igiit ang gusto mo, pero ito ay sa una lamang. Ibig sabihin, ikaw din ang masusunod kapag patuloy kang naging mapagpilit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Oo kung oo at hindi kung hindi. Huwag mo nang pakahabaan pa ang mga paliwanag. Ang ayaw umunawa ay hindi makakaunawa. Ang bukas ang kaisipan ay hindi maguguluhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-22-23-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang iyong sarili. Masyado nang matagal ang ginugugol mong panahon para sa iba, kung saan napapabayaan mo ang sarili mong kinabukasan. Gumising ka sa katotohanan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-17-18-20-24.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napapalitan ang umaalis. Ang totoo, maraming puwedeng pagpilian, kaya walang dahilan para ikaw ay malungkot, kaya maging masaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-26-27-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong isipin nang isipin ang nakagalitan mo dahil sa kakaisip mo sa kanya, sa maniwala ka o hindi, siya ay mamahalin mo na. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-29-30-33-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang naghahangad na mabigo ka at sila ay sama-samang mapapahiya sa kanilang mga sarili at magtatamo ng masamang kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-25-32-37-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Subukan mong gawin ang ayaw mo. Magugulat ka dahil tiyak na magugustuhan mo rin ito. Kapag sa tao mo sinubukan, ganitong-ganito rin ang mangyayari sa iyo. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-9-22-27-30-33.




Comments