Horoscope | Nobyembre 20, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 20, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2026 (Biyernes): Aagos ang mga biyaya sa buhay mo tulad ng agos ng ilog na nagbibigay-saya at ligaya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang magandang pagkakataon para maiparamdam mo sa tao ang iyong pagmamahal at malasakit. Tumulong ka sa mga nangangailangan upang tuluy-tuloy kang suwertehin at lalo pang pagpalain ng Maykapal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-20-33-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umiwas ka sa mga alam mong mahina ang kalusugan, dahil may babala na tamaan ka ng karamdaman. Ngunit kapag napanatili mo ang iyong kalusugan, may darating sa iyo na malaking halaga ng salapi sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-24-28-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Isabuhay mo ang pagiging masunurin sa mga awtoridad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-20-26-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Lakasan mo ang iyong loob. Sa panahong ito ng iyong buhay, kapag malakas ang iyong loob, kusang dadami at madaragdagan ang iyong kinikita hanggang sa ikaw ay umunlad at tuluyan na ring yumaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-18-21-38-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na nagpapakita ng pagmamahal sa mga nagmamalasakit sa kapwa, sila na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-25-27-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagpaligsahan sa mga mahihina. Sa katunayan, mas magandang magparaya sa mga tulad nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-18-22-29-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ngayon ang kalungkutan. Hindi ka puwedeng mawalan ng saya dahil kung babalikan mo ang iyong nakaraan, humihina ka kapag tinatalo ka ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-14-20-32-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magtanong, lalo na kung ang hihingan mo ng opinyon ay ang mas maraming alam. Magdagdag ka ng kaalaman upang mas mapabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-19-21-27-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaang maapektuhan ka ng mga negatibong balita. Ituloy mo ang buhay mo nang malaya sa anumang paninira, at ang mga mapanlait ay huwag mong pansinin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-22-25-31-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ngayon ang panahon ng pamamasyal. Bagkus, ngayon ang tamang araw para sa paglilinis ng bahay at mga personal na kagamitan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-24-32-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Panatilihin mo ang iyong positibong pananaw sa buhay, dahil ito ang tunay na panlaban sa anumang negatibong nasa iyong kapaligiran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-29-30-32-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masustansyang pagkain at ehersisyo ang pinakamabisang panlaban sa sakit. Habang ang pagbibilad naman sa araw sa unang oras ng umaga ang magdadala sa iyo ng dagdag-suwerte at magagandang kapalaran na may kaugnayan sa malaking halaga ng salapi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-27-33-38-45.



Comments