Horoscope | Nobyembre 18, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 18, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2026 (Miyerkules): Walang dahilan para mabigo ka, lalo na’t pinagkalooban ka ng tapang at lakas ng loob upang makamit mo ang iyong layunin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo na pag-isipan kung paano mo mapagaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-17-26-37-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo ngayon, lalo na kung kikilos ka nang walang pag-aalinlangan. Lakasan mo ang iyong loob, at wala kang dapat ipag-alala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-10-24-28-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama ngayong papalapit na ang Pasko. Kaya mas maiging ituon mo ang iyong enerhiya sa aspetong pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-19-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Makakalimutan mong mahina ka ngayon, dahil lalakas ang loob mo na para bang wala nang makapipigil sa iyo. Minsan, maganda ring maging mahina dahil sa ganitong paraan, mas nakokontrol ng isang tao ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-27-28-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang hihinto! Hindi ngayon ang panahon para umatras. Maaaring hindi mo alam, pero langit mismo ang gumagawa ng paraan upang makuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-12-26-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka para sa iyong pag-asenso. Mas maganda kung ang iyong pagkilos ay nakatuon lamang sa iisang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-25-34-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka maaawat ngayon. Gayunman, hindi mo rin masisisi ang mga malalapit sa iyo kung kakabahan sila sa mga ikinikilos mo dahil nag-aalala sila na baka mabigo ka, kahit na malabo naman iyon mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-23-29-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang tahimik na pamumuhay, pero higit na maganda ang pagkakaroon ng maraming kaibigang handang umalalay sa iyo sa panahon ng kagipitan. Gayunman, piliin mo lamang ang mga kaibigang mapagkakatiwalaan at maaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-37-40-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humingi ka ng tulong o alalay sa mga taong hindi naghihintay ng kapalit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-17-23-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo na ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-19-28-31-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinay-hinay lang, lalo na pagdating sa larangan ng pakikipagrelasyon. Anumang pagmamadali ay maaari mong pagsisihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-16-26-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabala ang araw na ito laban sa pagiging galante. Alalahanin na isa sa mga epektibong paraan upang hindi magipit ang isang tao ay ang pagtitipid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-17-21-27-34.



Some of these Hot Free Games predictions are a good reminder to stay focused and trust yourself, especially when working toward something important. I also agree that sometimes slowing down and thinking things through can save us from unnecessary trouble.