Horoscope | Nobyembre 19, 2026 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 19, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2026 (Huwebes): Kabilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Ngayon na darating ang mga suwerte sa buhay mo, pero kailangan mo pa ring magsumikap upang hindi ka matawag na tamad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag-suwerte ang mapapasaiyo kapag kumilos ka nang masaya. Kaya kahit may lihim kang lungkot, maganda pa rin na ikaw ay maging masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong sinasabi ng mga malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-24-33-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang sikat ng haring araw, bagkus natatakpan lamang ito ng mga ulap. Pagkatapos ng mga pinagdaraanan mo ngayon, ang buhay mo ay magkakaroon na ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-20-31-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang manamlay dahil lamang hindi mo nakuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-19-21-33-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at sa mga darating pang araw. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga lihim at lantad mong kaaway. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-18-25-27-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nananalo ang masaya. Kaya kung masaya ka ngayon, agad kang makipagsapalaran! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-24-32-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lamang ng susi para ikaw ay suwertehin. Iangat mo ang ulo mo, kumilos at lumakad nang may tiwala sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-28-33-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang palagiang pagtatrabaho dahil maaari itong makatulong upang makaipon para sa kinabukasan. Ngunit, kakaiba ang iyong kapalaran, kahit hindi ka magtrabaho, sunud-sunod na darating sa iyo ang mga suwerte na dapat mong ipunin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-12-25-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-aralan mo ang mga mungkahing ibinibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan at kasama. Alamin mo kung may nakatagong hindi magandang motibo ang mga ito. Sa ganitong paraan, masusuri mo ang kanilang mga intensiyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-18-20-31-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahanap-hanap ang masasayang karanasan. Pero hindi maiwasang balikan ang mga kabiguan. Wala nang mas maganda pa kundi ang kumuha ng aral sa buhay mula sa mga ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-19-24-25-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang nag-alis, ikaw rin ang magbabalik. Bago mo pabalikin ang isang taong naging bahagi ng buhay mo, suriin mo munang mabuti kung nagbago na talaga siya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-18-21-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawin, hindi na magbabago ang pasya ng langit. Mangyayari at mangyayari na ang magagandang kapalarang guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-20-33-36-44.



Comments