top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Nobyembre 20, 2022 (Linggo)

BULGAR
Nov 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 20, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2022 (Linggo): Maaabot mo ang lahat ng iyong pangarap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Tandaan, kapag sinabing lahat, literal na lahat, kaya kahit kailan, huwag kang bibitaw sa iyong mga pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang mga araw na darating na tatalunin ka ng iyong damdamin. Hindi ka magsisisi dahil ang damdamin mo ang magbibigay sa iyo ng sobrang kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-28-30-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka ayon sa iyong nadarama. Kapag hinahadlangan ka ng isip mo, huwag mong pansinin. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng kakaibang saya at ligaya sa araw na ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-10-24-29-33-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang mga kilos mo dahil ang makikita mo sa paligid ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay may kakayahang pabagalin ang orasan ng buhay na may kaugnayan sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-21-28-34.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang isa sa natatanging araw. Ito ay magsisilbing simula ng marami pang mga araw kung kailan matutupad na ang malalaking pangarap mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Walang sinabi ang kinang ng parol sa nalalapit na Kapaskuhan sa ganda ng takbo ng kapalaran mo. Ang totoo nga, maraming masisilaw sa iyo na masasabing, papangarapin kang maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-27-31-38-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pakinggan mo ang mga musikang pamasko. Magugulat ka dahil tumutunog ang agos ng kapalaran mo, kung saan ang mensahe ay nagsasabing, ang mga suwerte ay sunod-sunod na nagdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-22-23-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo maawat ang mga paa mo na pumunta sa lugar kung saan ikaw ay sasaya. Gayundin, hindi mo maaawat ang iyong sarili na umalis sa lugar na malungkot ang nararanasan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-22-24-27-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isa-isahin mo ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Nangangako ang kapalaran mo na sa pagkakataong ito, ang mga ito ay magagawa mo at malulubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-20-25-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumibigat ang takbo ng mga pangyayari para sa iyo, pero wala kang dapat ikabahala dahil ang mga alalay mula sa langit ay mabilis ding sasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-22-26-27-35-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malungkot kapag may mga suwerteng hindi napasaiyo. Magbabalik ang mga ito na bitbit ang mas maraming bagay na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-17-27-30-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumukuha pa ng mas malakas na buwelo ang mga suwerte mo upang mayanig nang husto ang mga taong nagnanais na masaktan at mabigo ka. Ito ang katotohanan sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-23-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Paglaanan mo ng oras ang mga obligasyon mo. Kapag palaging planado ang mga aktibidad mo, lalo na ngayong papalapit ang Pasko, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-25-29-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page