Horoscope | Nobyembre 2, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 2, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2022 (Miyerkules): Pinagpapala ang may mabubuting kalooban. Ito ang dahilan kaya napabibilang ka sa mga pinagpala. Ito rin ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang takdang araw para gawin mo ang pagkakawang-gawa. Kapag ginagawa mo ito, tiyak na susuwertehin ka at gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-26-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humugot ka ng lakas ng loob sa mga nagmamahal sa iyo. Kumuha ka ng tapang sa mga napagtagumpayan mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibalik mo ang dating ikaw na inuunawa muna ang iyong kapwa. Dahil ngayon, ikaw ay matatagpuan na ang una mong pinahahalagahan ay ang iyong sariling katwiran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-26-27-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang masusunod ngayon. Ang sumuway sa iyo ay tiyak na aani ng pangit na kapalaran, habang ang aayon sa gusto mo ay makakabahagi sa mga suwerteng dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-22-26-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na matatangay ka muli ng mga taong nagkukunwaring walang-wala. Pero sa totoo lang, kahit alam mong nagkukunwari sila, kukunsintihin mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-17-23-25-33-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo nang mahigpit ang iyong damdamin. May pagkakataong lilitaw ang iyong kahinaan, pero magpapakita ka pa rin ng katigasan ng paninindigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-24-28-31-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nabubuwal ang puno dahil sa malakas na hangin. Sobrang malakas ngayon ang dating sa iyo ng tao na seryosong gawin kang bahagi ng kanyang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo ang gusto mo kahit makaranas ka ng matinding pagkontra. Ngayon itinakda ng langit na magtagumpay ka sa anumang gusto mong gawin kahit marami pa ang kumontra sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-25-27-31-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga tao na kitang-kita mong hindi nagmamahal sa kapwa. Mas maganda na mahalin ang kapus-palad kaysa makisama sa mga mapagsamantala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-21-23-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang may mababang loob ngayon, sa kanya dadapo ang malalaking suwerteng ihuhulog ng langit. Ito ang mensahe ng kapalaran mo, kaya magpakababa ka ng loob para ikaw ang mahulugan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-16-28-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matatauhan at magigising ka sa katotohanan, kaya iaatras mo ang pagtulong sa hindi naman talaga dapat tulungan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-16-20-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka nagyon at hindi na mahalaga kung naniniwala ka o hindi. Sa katunayan, noon pa nagpasya ang langit na hindi magbabago sa araw na ito ang nakatakda na buwenasin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-23-39-40.




Comments