top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 19, 2022 (Sabado)

BULGAR
Nov 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 19, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2022 (Sabado): Mahirap paniwalaan, pero ibinabalita ng iyong kapalaran na mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwang nilalang. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang susi para maglapitan sa iyo ang mga suwerte, kaya magsaya ka. Kahit marami pang problema o may lihim kang lungkot, magsaya ka. Muli, ikaw ay magsaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-21-25-29-37-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang wala kang takot na mabigo. Sa maniwala ka o hindi, ang kinatatakutang kabiguan ay kusang mawawala. Mapapabilis ang pagkuha mo sa iyong mga gusto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-26-30-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Tulad ng kambal, doble ang mapasasaiyong suwerte. Nangyari na ito sa iyo noon, kung saan sabay dumating sa buhay mo ang higit sa isang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-29-31-32-39.


CANCER (June 21-July 22) - Magkunwari kang walang nalalaman. Magugulat ka dahil madadagdagan ang impormasyon tungkol sa isang taong ayaw ibisto ang kanyang mga plano. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-11-17-24-25-30-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ituloy ang plano mo ngayon dahil maraming nakakontra sa iyo. Maghintay ka ng tamang sandali kung kailan tahimik na sila at hindi ka na mapapakialaman pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-29-33-36-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang dagdagan ang bilang ng utos sa isang ayaw namang sumunod. Kaya huwag kang mag-uutos, bagkus, hayaan mo lang dahil kusang maaayos ang buhay niya. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-8-12-25-34-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikitang sobra ang tiwala mo sa iyong sarili. Mag-ingat ka dahil ang anumang sobra ay hindi maganda. Ang payo ay nagsasabing, kontrolin mo ang kakaibang sigla mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-26-35-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-uumapaw ang iyong kaligayahan. Ang langit ay magbibigay sa iyo ng kakaibang regalo, kung saan matutupad ang isa sa mahalagang pangarap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-29-31-32-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa dikit nang dikit sa iyo dahil baka sa huli, masumpungan mo ang iyong sarili na alipin ka na niya at hindi ka na makakatakas pa. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-23-29-30-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang musika sa panahon ngayon na parang walang kuwenta, pero habang napapakinggan ay nagugustuhan mo na ito. Ito ang awit ng bagong pag-ibig mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-22-26-31-35-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang masusunod ngayon, pero kailangan mo pa ring ipilit ang gusto mo. Noon pa man, sa una ay hindi mo makukuha ang gusto mo, ngunit sa huli, ang lahat ng gusto mo ay napasasaiyo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Didikitan ka ngayon ng isang masayahing tao. Mapagkakamalan mo na siya na ang hinihintay mo. Pero bilang pagtatapat, siya ay panandalian lamang sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-11-14-25-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page