top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 18, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Nov 18, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 18, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2022 (Biyernes): Ikaw at ang panalo ay iisa lang. Ibig sabihin, hindi ka matatalo sa anumang laban ng iyong buhay, kaya labanan mo lang ito nang labanan. Huwag mong aatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mga araw na mas malakas ka kaysa sa iyong mga karibal. Gayunman, mas maganda pa ring ipadama na kayo ay pantay-pantay lamang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-26-37-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin ang pagiging mahiyain mo at ang katangian mong ito ay isang positibong bagay, kaya lalapit sa iyo ang suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-27-34-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili, gayundin sa kapwa mo. Marami ang nasasaktan sa kawalan ng pag-iingat na nag-aakalang ang lahat ay umaayon sa kanilang gusto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-27-28-38-39.


CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka at ito ay biglaan. Magugulat ka dahil ang mga hindi mo nagawa noon ay kaya mo nang gawin ngayon. Dahil dito, palagi mong gugustuhin na ikaw ay matapang. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-15-16-23-34-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang dapat unahin. Hindi ka dapat magpatangay sa emosyon. Hindi ka mahina, bagkus, ikaw ay malakas, kaya magagawa mong maayos ang lahat ng gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-29-31-32-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pakinggan mo ang bulong ng iyong sarili na kailangang labanan mo ang mga kahinaan nang sa gayun ay maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-27-34-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang magandang panahon para bilangin ang mga biyayang kaloob ng langit. Ngayon din ang panahon para magpasalamat. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7- 18-21-23-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung hanggang saan ang kaya mo, ru’n ka lang. Ito ang ilagay mo sa iyong isip habang nag-aayos ka ng mga ipangreregalo mo para sa nalalapit na Pasko. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-25-26-31-33-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na nakita ng nasa itaas ang mga kabutihan na nagawa mo noon. Kaya gagantimpalaan ka ng langit ng magagandang kapalaran at kakaibang suwerte na ngayon mo lang mararanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-24-37-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipakita mo ang pagmamahal mo sa nagmamahal sa iyo. Pero ipakita mo rin na mahal mo ang mga ayaw sa iyo. Sa ganitong paraan, labis na matutuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-27-28-33-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lahat ay puwedeng pagbigyan ngayon. Pero sa ibang araw, puwede na ring pagbigyan ang mga hindi mo mapagbibigyan ngayon. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-21-25-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi hadlang ang layo para hindi mapasaya ang mahalaga sa iyo. Malayo man o malapit, ang mahahalagang tao sa buhay mo ay dapat binibigyan ng pansin at oras dahil siya rin ang panggagalingan ng suwerte at magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-27-30-33-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page