top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Horoscope | Nobyembre 17, 2026 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2026 (Martes): Malalaking suwerte ang naghihintay sa iyo. Kaya magpatuloy ka anuman ang iyong maranasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag at tibay ng loob ang sandata mo upang matalo ang mga nagpapanggap na tunay mong kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-20-30-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo nang may pagmamahal ang mga taong naiinggit sa iyo upang matunaw ang masama nilang binabalak laban sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-13-24-27-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magbiro ka para suwertehin ka. Pasayahin mo ang iyong kapwa upang pasayahin ka rin ng langit. Kasabay nito, mapupuno ng magagandang kapalaran ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-21-23-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Buksan mo ang puso mo sa pakikipagkasundo upang ulanin ka ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-22-24-31-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga salitang naririnig mo laban sa iyo. Nagmumula ang mga ito sa mga taong nais kang pigilang magpatuloy sa pagtutok sa iyong makabuluhang proyekto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-17-20-26-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglinis at mag-ayos ka ng iyong tirahan. Sa ganitong paraan magsisimulang gumanda ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-21-29-32-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa iyong plano. Nakaayos na ang lahat, at pipitasin mo na lamang ang matatamis na bungang nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-22-31-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo na kailangang lumayo upang suwertehin. Ang mga taong nasa tabi mo ay maaari mong pakinabangan, at sa kanila rin magmumula ang magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-25-27-30-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magtiwala sa iba, bagkus talasan mo ang iyong pakiramdam, at lihim mo ring layuan ang mga taong hindi mo kursunada. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-13-20-26-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darating sa iyo ang isang munting suwerte na kapag inalagaan mo, lalaki at magiging isang punongkahoy na magbibigay sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ng matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-19-28-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakaranas ka ng panandaliang pagkaantala sa pagkamit ng iyong mga kagustuhan. Gayunman, huwag mong isipin na pinahihirapan ka; ang ganitong pangyayari ay bahagi lamang ng pagsasaayos ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-22-33-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo nang mukhaan ang mga pagsubok na nasa harapan mo. Sa unang tingin, maaaring mahirap manalo, pero tiyak na magwawagi ka at ang huling halakhak ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-18-20-23-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page