Horoscope | Nobyembre 14, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2026 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte hangga't nasa iyo ang bilis sa pagkilos, pagsasalita, pag-iisip at pagpapasya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag na huwag kang mag-aalinlangan dahil itinataboy ng pag-aalinlangan ang mga suwerteng papalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi dapat maging magulo ang iyong isip at mga ginagawa. Isa-isahin mo lang ang mga ito hanggang sa matapos ka. Sa ganitong diskarte, makakapagpokus ka nang husto at mas madali kang uunlad at yayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-25-27-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapatanggay sa masasayang pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-16-21-29-37-43.
CANCER (June 21-July 22) - Mawawala ang pananamlay ng iyong kapalaran kapag sinubukan mong makibahagi sa mga aktibidad na kinagigiliwan ng mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-23-30-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw para asikasuhin mo naman ang iyong sarili. Hindi magandang patuloy kang nagsasakripisyo para sa iba. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-22-28-34-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Kahit ang matamis na pagmamahalan ay tumatabang din. Tanggapin mo ang katotohanang ito upang mapayapa ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-15-21-24-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli na namang babalik ang mga taong umalis sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-26-29-31-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nalilito ka ngayon, pero sa huli, ang mananaig ay ang matagal mo nang nakasama. Maganda man ang bago, hindi naman ito nangangahulugang magtatagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-10-19-22-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagsabay-sabayin ang mga proyekto. Unahin mo ang pinakamahalaga at kailangang matapos agad. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-25-27-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas mula sa mga pagsubok na napagtagumpayan mo, at humugot ka rin ng lakas mula sa mga taong nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-20-26-33-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang mga problema. Harapin mo ang mga ito nang bukas ang isip dahil ang maayos na pag-iisip ang lulutas sa mabibigat na suliranin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-19-24-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Darating na ang bagong pag-ibig, at papalitan nito ang relasyong unti-unti nang kumukupas. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magkaroon ng bagong buhay at bagong kapalaran, dahil ngayon na ang tamang panahon upang muling umibig at magmahal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-23-39-44.



Comments