Horoscope | Nobyembre 15, 2026 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 15, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2026 (Linggo): Lahat naman tayo ay kinakabahan sa kung ano ang kahihinatnan ng ating kinabukasan, lalo na sa panahong ito na patuloy pa rin ang pagbagsak ng ekonomiya. Gayunman, tinitiyak ng araw ng iyong pagsilang na may magandang kinabukasan para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa kapalaran mo. Huwag kang mag-alinlangan, dahil kikilos ngayon ang mahiwagang planeta para mas bumilis ang pagyaman mo. Masuwerteng kulay–old rose. Tips sa lotto-7-9-11-18-20-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga biyaya at suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-1-8-21-29-33-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo ang iyong pagkilos upang mas madali kang manaig at magtagumpay. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-4-12-19-24-31-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang malaking suwerte na hindi napasaiyo dahil masyado kang negatibo. Gayunman, huwag kang mag-alala, dahil tiyak na mapapasaiyo rin ito kapag naging positibo na ang iyong isipan. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-9-17-22-32-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang seryoso ngayon, kaya hindi makadikit sa iyo ang masasayang suwerte. Kailangan mong maunawaan na kapag may saya ang buhay, tiyak na mas bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-2-12-26-30-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumili ka lang ng isa sa napakaraming magagandang ideya na nasa isip mo. Kahit alin ang mapili mo, tiyak na aasenso ka. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-6-13-27-28-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasama ang sobrang ingay. Lumayo ka muna sa mga taong maiingay, na parang hindi marunong magsalita nang marahan at malumanay. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-3-16-18-28-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na lalago ang iyong negosyo kapag ang produkto mo ay bentang-benta sa mga tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-7-19-23-36-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang mga nasa paligid mo dahil aakalain nilang kailangan mo sila. Pero sa katunayan, kahit mag-isa ka lang, kayang-kaya mo pa ring umasenso. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-1-14-22-29-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang titigil hangga’t ‘di ka nagtatagumpay. Ito ang matagal nang pormula ng mga umuunlad at yumayaman. Ganu’n din ang ang gawin mo sa iyong kabuhayan, huwag kang titigil sa pag-iipon at pagpupundar hanggang sa tuluyan kang sumakses. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-8-15-17-25-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-5-9-18-26-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Talas ng isip ang magliligtas sa iyo sa mga mapagsamantala. Dapat mo ring malaman na sobrang interesado ang mga ito na maisahan ka. Muli, talas ng isip ang pairalin mo ngayon! Masuwerteng kulay–silver. Tips sa lotto-7-19-24-27-37-43.



Comments