top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 17, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Nov 17, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 17, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 17, 2022 (Huwebes): Pinatibay at pinatatag ka ng iyong mga karanasan nang sa gayun ay makaya mo ang malalaki at mabibigat na mga suwerteng nakalaan sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong labanan ang agos ng iyong buhay. Hindi ikaw ang magpapasya kung ano ang mabuti para sa iyo kundi ang langit na siyang gumagabay sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-27-29-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahil sa langis, may liwanag ang ilawan. Dahil sa inspirasyon, ang tao ay sumisigla. Ito ang kailangan mo ngayon, ang magkarooon ng tao o bagay na magpapasigla sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-28-32-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ito ang araw para sumugod kahit may mga senyales na makukuha mo ang iyong pangarap. Ngayon, ang mas kailangan mo ay pananahimik at mapayapang diwa at isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-23-31-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwedeng mahalata na ikaw ay mahina. Kaya magkunwari kang malakas nang sa gayun ay patuloy na maiisip ng mga lihim at lantad mong kaaway na hindi ka nila kaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-21-25-33-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pairalin ang ngipin sa ngipin at mata sa mata. Ang mas maganda na pag-ibig ang pantapat sa galit. Alalahanin mo na mas masarap ang nagmamahalan kaysa nag-aaway. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-11-16-24-29-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Isipin mo, bakit mo pahihirapan ang iyong sarili, samantalang may mga paraan na madadalian ka? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-21-24-26-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makisawsaw sa gulo ng iba. Walang pinakamaganda sa buhay ng tao kundi ang payapa at masaya niyang tinatahak ang landas papunta sa kanyang mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-24-31-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumagaan ang problema kapag ito ay naihahayag sa mga pinagkakatiwalaan mong tao. Lalong lumalaki ang problema kapag ang napagsabihan mo ay mahina ang pagkatao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-8-14-16-22-25.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang panghinaan ng loob dahil ang kaharap mong suliranin ay mas maliit kaysa sa mga problema na iyong nalagpasan noong mga panahong nagdaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-28-31-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Para sa iyo ang panalo, pero kailangang maunawaan mo na bago manalo, kailangang nakikipaglaban muna. Ito ang itanim mo sa iyong isip at ikaw ang mananalo, gayundin, ito ay tiyak na magaganap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-21-25-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang tamang araw para kumilos ka ayon sa matagal mo nang plano dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay abala sa kani-kanilang mga problema. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-16-19-21-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa mahirap na makabangga, hindi dahil matatalo ka kundi dahil may madaling paraan para makuha mo ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-21-24-35-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page