top of page
BULGARY - KIM BUNTIS, KINUMPIRMA SA IG NG DIREKTOR_IG _kimchiu.jpeg

Horoscope | Nobyembre 13, 2026 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 13, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2026 (Biyernes): Hindi ka mawawalan ng lihim na kaaway, dahil nasasagap nila na darating ang panahon na sila ay iyong malalagpasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpatuloy ka lang. Ang mga kaba sa dibdib mo ay likha lamang ng mga anino na akala mo ay hahadlang sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-17-20-28-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas at gamitin mo ngayon ang paborito mong alahas. Isuot mo ito kahit nasa bahay ka lamang, dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte upang lapitan ka ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-10-14-29-30-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit nag-aalinlangan ka, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Tinitiyak ng iyong kapalaran sa mga araw na ito na mapapasaiyo na ang anumang pangarapin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-24-29-35-36.


CANCER (June 21-July 22) - Maraming suwerte na hindi mo pinaghirapan ang sunud-sunod na darating sa iyo sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-13-25-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakagulat ang pagmumulan ng mga suwerte mo. Kikilos ang mga lihim at lantad mong kaaway laban sa iyo, ngunit ang magiging resulta ay mas susuwertehin ka pa kaysa dati. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-30-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagtutuunan mo na naman ngayon ang mga negatibong pananaw. Gayunman, patuloy pa rin namang darating sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-19-26-32-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat maghinanakit sa mga taong gumagawa ng hindi maganda laban sa iyo, dahil sa katunayan, sila pa ang magiging susi upang ulanin ka ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-27-31-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob mo ang mga kaganapan. Huwag mong kakaligtaan na ang pasya ng langit ay para sa iyong kapakanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-23-33-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka nila mapapabagsak ngayon. Kaya sa halip na magalit ka sa kanila, kaawaan mo na lamang sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-21-27-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang ubusin ang oras mo sa pag-alam kung bakit nangyayari ang isang kaganapan. Ang mas maganda ay ang magtiwala sa langit dahil ito ang tunay na nakaalam ng lahat ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-20-24-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dito sa mundo, hindi patalinuhan ang labanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-13-26-34-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap man maunawaan, pero ang makitid at madilim na daan ang tunay na susi tungo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-22-27-33-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page