top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 15, 2022 (Martes)

BULGAR
Nov 15, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2022 (Martes): Nagkakamali ang tao dahil sabi niya, tao lang siya. Ngunit ang langit ay mas makapangyarihan, kaya ang mali ay itinatama. Huwag kang matakot dahil anuman ang mangyari, laging itatama ng langit ang buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nadadama mo na papaganda ang takbo ng iyong buhay kahit sa kasalukuyan ay may mabibigat kang problema. Tama ang iyong nadarama, tunay ngang ang kapalaran mo ay gaganda nang gaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-29-30-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga walang magawa at kumokontra sa mga kagustuhan mo, gayundin silang namimintas na para bang wala kang ginawang tama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-24-28-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Maganda ang nangyayari sa buhay mo, pero lalo itong gaganda kung maghihinay-hinay ka. Sa ganitong paraan, nakakabuo ang isip ng mas magandang plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-15-28-34-37.

CANCER (June 21-July 22) - Malakas ang iyong karisma ngayon, pero mas maganda na mag-ingat ka dahil kahit ang mga wala nang karapatan ay maaakit sa iyo na parang hinding-hindi ka titigilan ng mga intriga at paninira. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-24-26-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Buksan mo ang puso nang mapalapit ka sa mga bagong kakilala na nadarama mong ikaw ay pinahahalagahan. Ang pananatili sa hindi magandang kalagayan ay isang malaking pagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-25-27-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ka. Akala mo lang ay malakas ka, pero ang totoo, inaalalayan ka ng langit para makuha mo ang mga bagay na gusto mo. Tanggapin mo ang katotohanang ito at hindi mo ito dapat tanggihan, bagkus, magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-24-28-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-alala sa mga bagay na nawawala o nawala dahil ito ay hindi talaga para sa iyo kundi para sa ibang tao. Sa panahong ito, ang mga bagay na para sa iyo ay ibabalik nang mas marami, sagana at may dagdag pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-27-28-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi puwedeng sabay-sabay na kinukuha ang maraming bagay dahil sa huli, isa sa mga gusto mo ay hindi mapasasaiyo. Una-una lang ang dapat at muli, hindi puwedeng sabay-sabay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-11-19-26-27-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda para sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Huwag kang maguluhan sa sinasabi na ang magaganda ay hindi dapat pangarapin. Sa halip, pangarapin mo ang magaganda at ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-22-29-30-31-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon sa anumang klase ng pakikipagsapalaran. Ang totoo, magtutuloy-tuloy pa ang iyong buwenas. Alalahanin mo ang mga taong umalalay sa iyo noong panahon na ikaw ay gipit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-23-28-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung nasaan ka, gaganda ang buhay mo. Pero sa malayo, mas gaganda ang kapalaran mo dahil sa totoo lang, palagi namang kumikilos ang langit para sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-15-24-25.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nangyari noon ay muling magaganap ngayon. Sa silong ng langit, wala namang bago, kaya ang kasaysayan ay pabalik-balik lamang. Ngayon ay magugulat ka dahil isa-isang magbabalikan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-20-28-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page